Skip to content

SARAH kailangang makipagtanan sa susunod na magiging dyowa

October 9, 2012

Para makatakas nang tuluyan sa istriktong nanay 

KAHIT sinalo na ng Viva big Boss na si Vic del Rosario ang mag-anak na Geronimo, naglalabasan pa rin through some reliable sources na talagang sinibak ni Mommy Divine sina Eric Pe Benito and Jing Monis.

Masyado raw kasing nainsulto ang dalawa sa ginawang pagsibak sa kanila gayong matagal na nilang pinagsilbihan si Sarah Geronimo.

“Nag-text si Mommy Divine kay Jonathan (I forgot the surname, baka ito ‘yung boss ng dalawang stylists) at sinabing hindi raw muna niya ipagagawa si Sarah kina Eric and Jing.

May kukunin daw kasi silang iba dala ng closeness yata ng dalawang professionals na ito kay Gerald Anderson,” unang kuwento ng source natin.

“Napaka-unfair nga naman para sa dalawa na basta na lang sibakin dahil sa “tamang duda” nitong si Mommy Divine na nili-link nila si Sarah kay Gerald.

Sa pagkakaalam ko, tinext ni Jing si Mommy Divine at pinamukha sa ina ni Sarah na baka nakakalimutan daw nito na nu’ng bago pa lang si Sarah at nagdyi-jeep pa silang mag-anak ay sila na ang nakakasama nila at nag-aayos sa anak nila.“Kaya huwag daw sanang kalimutan ni Mommy Divine ang mga panahong wala pa silang pera at sila lang ang nagtitiyagang tulungan si Sarah.

Kaya ‘yung pagsalo ni Boss Vic na iyon sa kanila ay para huwag na lang lumaki ang isyu, na huwag na lang maapektuhan ang career ni Sarah at masabihan silang mga inggrata,” pagpapatuloy pa ng ating source.

Hindi na naman bago pa sa amin ang ganitong pag-uugali ni Mommy Divine, eh.

Hindi na kami nagtaka o nagduda minsan na kaya niyang gawin ang mga kamalditahang ito.

Ewan ko ba sa babaeng iyan – she thinks she rules this industry. Kaya kahit love namin si Sarah ay turned-off kami sa buong angkan nila, including Sarah na rin kasi nga wala siyang “balls” para ipaglaban ang karapatan niya o ipagtanggol ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Palagi na lang siyang sunud-sunuran sa kanyang mga magulang kahit mali na ang iniuutos sa kanya.

Mabuti sana kung 16 years old pa lang siya para masabi nating “ganoon talaga dahil anak lang siya,” pero hindi eh, she’s already 24 years old and can even run her own family kung tutuusin.

Kaya hindi dapat kaawaan pa si Sarah pag marami na ang nagagalit sa kanila, it’s her fault and no one else’s, tama? She’s not a kid anymore – she is an adult. An ADULT.

Wala nang pag-asang mabago pa itong mga scenario na ito sa buhay ni Sarah, yung sinasabing paulit-ulit na drama ng kanyang malditang ina.

Kasi nga pinapayagan niyang mangyari ang lahat ng ito.

Wala na dapat tayong hintayin pa, hangga’t nakatira kasi si Sarah sa poder ng kanyang mga magulang, hopeless case na iyan.

Kaya dapat itinatanan na ng lalaki iyan para matigil na ang mga kalokahang ito sa buhay nila.

Ha-hahaha! Pag nakatikim ng hulog ng langit iyang si Sarah, tiyak na magbabago ang pananaw nito sa buhay.

Baka sabihin niyang, “It’s more fun without my mom!”. Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: