Skip to content

Mommy ni XIAN nakiusap kay KIM: Sana sagutin na niya ang anak ko!

October 7, 2012

Para mapadali ang pagkakaroon nila ng relasyon

IBANG-IBA na ang itsura ngayon ni Kim Chiu, bukod sa gumanda ay nagkalaman siya ng kaunti, hindi na siya ‘yung tulad dati na patpatin at halos buto’t balat na lang.

Marami nga ang nagsasabi na mukhang magaling mag-alaga ang rumored boyfriend niyang si Xian Lim.

Blooming si Kim nang makita namin uli sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS, ang  Ina Kapatid Anak na magsisimula na sa Lunes kapalit ng Lorenzo’s Time.

In fairness, lutang na lutang ang ganda ni Kim kahit na napapaligiran siya ng malalaking artista sa nasabing presscon kung saan nandu’n din sina Maja Salvador, Enchong Dee at Xian Lim, kasama sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Eddie Gutierrez, Cherry Pie Picache, Janice de Belen, Ariel Riveraat ang komedyanteng si Jayson Gainza.Inamin ni Kim na sa muli nilang pagtatambal sa seryeng Ina Kapatid Anak, may mga pagbabago siyang napansin kay Xian,

“Mas madaldal si Xian ngayon at hindi na siya nahihiyang lumapit sa akin.

Saka mas lumalim ang friendship na-min. Ngayon, hindi na kami nagkakailangan.

“At siyempre, mga taping namin more than 24 hours, so mas naging close kami ngayon,” sabi pa ni Kim na mukhang nahuhulog na nga kay Xian.

Ayon kay Kim, though nararamdaman niya na pwede na siyang magmahal uli pagkatapos ng relasyon nila ni Gerald Anderson, hindi pa raw talaga niya napi-feel na magkaroon ng boyfriend, “Sa akin po, medyo naisip ko na pag magkarelasyon kayo, mahirap sa trabaho, lalo na as a loveteam.

“Katulad ng dati, pinasok namin pero hindi umayos.

Medyo nahirapan ako na tumayo as myself dito sa showbiz,” say ni Kim na ang tinutukoy ay ang naging relasyon nila ni Gerald.

Hirit pa ng dalaga, “Ngayon, kami ni Xian, sinisimulan pa lang as a loveteam, so iniingatan ko muna ‘yun at mas mahal ko ang trabaho ko.”

At dahil wala na naman siyang boyfriend, malamig na naman ang Pasko niya? “Hindi naman siya malamig kasi nararamdaman ko naman na may nagmamahal sa akin.

Pero  hindi naman kay Xian. Meron naman akong pamilya, mga kaibigan…”

Ayon pa sa dalaga, mas magiging careful na raw siya ngayon sa kanyang bagong ka-loveteam, “Malaking bagay po kasi na makatrabaho kayo then yung eksena n’yo, kiligan, tapos magkaaway kayong dalawa, hate n’yo ang isa’t isa.

“Mahirap ngang gawin ‘yun, lalo na ngayon, nagsisimula pa lang ang loveteam namin. ‘Yun ‘yung iniingatan ko ngayon,” dagdag pa nito.

Tungkol naman sa pagbabalikan nila ni Gerald bilang magka-loveteam sa pelikulang “24/7 In Love” ng Star Magic at Star Cinema, maganda naman daw ang working relationship nila, “Okay naman kami, magkaibigan kami, nagkukwentuhan.

Nasa point na kami na nagkukwentuhan kami, nagbibiruan.

Parang bago kaming magkaibigan na matagal nang magkakilala,” chika pa ni Kim.

Natutuwa rin si Kim dahil maganda ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Xian, lalo na ng mommy nito na si Mary Anne Cruz-Lim na nagsalita pa nga sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV na sana raw ay sagutin na ni Kim ang kanyang anak.

“Nahiya nga ako, e. Sabi nga ng road manager ko, ‘Bakit nagtatago ka sa likod ni Xian? Nandiyan ba ang nanay ni Xian?’ Nahiya naman ako na puring-puri ako ng mommy niya.

Nakakatuwa,” nagba-blush na chika pa ni Kim Chiu.

One Comment leave one →
  1. October 10, 2012 6:27 pm

    well actions speak louder then words you can tell may gusto rin siya kay Xian at si Kim she wants everything esp lovelife private kaya di mo siya ma pa admit look at Xian buking sila when Xian will speak limited . Kim ok naman na maging kayo na and its bettter na private ang relationship ninyo at si Xian nasa kanya ng lahat ika nga perfect package.KIMXI GOD BLESS YOU BOTH AND MORE POWER ON YOUR LOVETEAM..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: