Skip to content

BEA nagmatigas, ayaw mag-sorry

October 7, 2012

Pinaninindigan na wala siyang kasalanan kay  Topacio

PUBLIC apology lang ang hinihiling ng kontrobersyal na abugadong si Atty. Ferdie Topacio mula sa mag-inang Bea Binene at Mrs. Carina, matapos umanong  magmukhang katawa-tawa ang kanyang pangalan at imahe dahil sa iskandalong kinasangkutan ng aktres at ng DJ na si Papa Dan.

“Sa media ko na lang nabalitaan na inaalis na nila ako bilang kanilang abugado.

Masakit man dahil may maganda naman kaming pinagsamahan, pero okay lang dahil ganu’n talaga.

Pero ‘yung sobra namang madungisan ang aking pangalan at ng aking pamilya, e, parang dapat naman yata ay gawin ko ito (ang pagsasalita),” pahayag ng abugado.Pinabulaanan ni Topacio na hindi siya binigyan ng consent ng mag-inang Binene na ipa-blotter para masampahan sana ng kaso ang sinasabing stalker ni Bea na si Papa Dan.

Meron siyang mga ipinakitang dokumento ng pirmado ng mag-ina.

Nagpakita pa si Atty. Topacio ng mga ebidensya sa pamamagitan ng mga e-mail at papeles na  posibleng magdiin sa mag-ina.

Pero hindi naman daw ‘yun gagawin sana ng abugado kung hindi lang siya pinagmukhang katawa-tawa at parang biglang iniwan sa ere ng mag-inang Binene.

Simpleng paghingi lang ng public apology ang hinihiling ng abugado mula sa kampo ni Bea kaya hintayin na lang natin kung ano ang susunod na hakbang ni Topacio, kasi, hanggang ngayon dedma lang ang kampo ni Bea.

Mukhang pinaninindigan ni Bea na wala siyang kasalanan sa abugado.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: