Skip to content

WILLIE magpapaulan uli ng pera sa Wil Time Bigtime

October 3, 2012

Mula nu’ng Lunes nang gabi ay nagsimula na ang selebrasyon ng isang buwang pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng programa ni Willie Revillame.

‘Yun ang dahilan kung bakit parang sawa na naman ang ikot ng pila sa audience entrance ngayon ng TV5, umaga pa lang ay nandu’n na ang ating mga kababayan, gusto nilang makasigurado sa pagpasok sa Wil Time, Bigtime para makakuha sila ng stub na binubunot naman ni Willie para sa papremyong sampung libong piso.

Ayon sa masiglang aktor-TV host, “Parang kailan lang ‘yun, di ba?

Una, Willing Willie, tapos, Wil Time, Bigtime naman. Nakakadalawang taon na pala kami? Ang bilis talaga ng panahon.

“Month long ang celebration namin this time.

Sa studio, bumubunot kami ng mga lucky winners para sa ten thousand pesos.

‘Yung tatlong winners, nagiging anim pa nga!

“Ang home partners naman, basta nanonood ng Wil Time kapag tinawagan namin, e, twenty thousand ang napapanalunan.Kapag Sabado, ang home partner, e, mananalo ng Foton van, ang nasa studio naman, isang house and lot mula kina Senator Manny at Ma’am Cynthia Villar.

“Apat na linggo naming gagawin ‘yun bilang pasasalamat sa mga kababayan nating walang sawang sumusuporta sa show.

Nakaka-touch kasing makita ang mga manonood na umaga pa lang, umuulan man, e, nakapila na sa TV5 para makapasok sila sa Wil Time.

“Kung tutuusin nga, e, kulang na kulang pa ang mga ipinamimigay naming papremyo sa matinding tiwala at suportang ipinagkakaloob sa amin ng mga kababayan nating Pinoy,” masayang pahayag ni Willie nang makakuwentuhan namin.

Sa loob nang dalawang taon niya sa TV5 ay napakaraming naengkuwentrong problema ni Willie dahil sa kaliwa’t kanang asuntong ihinain laban sa kanya ng pinanggalingan niyang network.

Maraming salamat naman dahil kahit isa du’n ay hindi nagtagumpay, ibinasura agad ng korte, hindi nga naman kasi krimen ang magtrabaho tayo kapag binabalewala na ng ibang istasyon.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: