Skip to content

MAJA, JULIA magkaaway, dahil daw sa lalaki

October 3, 2012

Pinagharap sa opisina ni Mr. M ng Star Magic, at pinagbati

MAY grand presscon ngayong araw ang Ina Kapatid Anak na pinangungunahan nina Maja Salvador, Enchong Dee, Xian Lim at Kim Chiu kaya matatanong namin si Maja tungkol sa tsikang may silent war sila ng isa pang Kapamilya leading lady na si Julia Montes.

Yes bossing Ervin, may natisod kaming tsika na humarap sina Maja at Julia kay Mr. Johnny Manahan o Mr. M noong isang linggo para mag-usap at ayusin kung anuman ang namamagitang gusot sa kanilang dalawa.

Napansin daw kasi ng mga nakapaligid sa dalawang aktres na may mga parinigan na hindi malaman kung saan nagmumula at kung sino ang nagpasimuno kaya bago raw lumala ang sitwasyon ng dalawang prime artists ng Star Magic ay kailangan nilang mag-ayos sa harap ng kanilang manager na si Mr. M.Nagkapaliwanagan naman daw sina Maja at Julia at okay naman daw na lumabas ang dalawang aktres sa opisina ng Star Magic honcho kaya siguro naman ay titigil na sila sa pagpaparunggitan.

Hmmm, hindi pa naman nagkatrabaho ang dalawa kaya saan at paano kaya nag-umpisa ang silent war nila?

Hindi naman type ni Julia si Matteo Guidicelli na ex-boyfriend ni Maja at mas lalong hindi rin type ng isa sa bida ng Ina Kapatid Anak si Coco Martin na leading man ngayon ng tisay na aktres para magkaroon sana ng kuneksyon bilang past at present leading lady ng morenong aktor.

Teka, may tsika  dating type ni Coco si Julia, e, bestfriends sina Maja at Enchong kaya posibleng ipinagtatanggol lang ni Majs ang kanyang kaibigan?

Naku, Maja, malabong ligawan ni Coco si Julia dahil magkaibigan din sila ni Enchong at bukod dito, type ng morenong aktor si Shaina Magdayao at bumubuwelo lang daw ito dahil nga bisi-bisihan ngayon ang bida ng Walang Hanggan na malapit na ring magtapos, at meron pa siyang series of shows sa Europe simula Nov. 6 hanggang 21.

Hintayin na lang natin kung liligawan ni Coco si Shaina kapag hindi na siya busy.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: