Skip to content

‘ALALAY’ ni SARAH tinalakan ni MOMMY DIVINE, di nakatiis, nag-resign

October 1, 2012

TALAGA palang maraming hindi makasundo itong si Divine na ina ni Sarah Geronimo.

Balitang-balita na nag-resign ang handler ni Sarah sa Viva Artists Agency nang dahil sa kanya.

May kinalaman si Divine sa pagre-resign ng handler dahil nangyari ito matapos ang birthday show ng dalaga noong July.

Hindi pala nagustuhan ni Divine na ang tagal-tagal sa stage ni Gerald Anderson kasama ang kanyang anak.

Para sa kanya ay dapat sandali lang si Gerald dahil hindi naman niya show ‘yon.

Ayun, sa pagkaimbiyerna raw ni Divine ay ang handler ni Sarah ang kanyang pinagbalingan.

Talaga raw tinalak-talakan ito ni Divine kaya naman hindi na nakatiis ang pobreng staff ng Viva  at nag-resign na lang dahil baka nga naman may magawa pa siyang hindi maganda sa ina ni Sarah.

Hindi ba naisip ni Divine na click na click sina Sarah at Gerald sa audience kaya naman medyo nagtagal ang binata sa stage noong concert nito. Ano naman ang masama roon?

Dapat ay inintindi na lang niya ang binata.

Bakit masyado siyang killjoy sa kaligayahan ng kanyang anak?

Naku, talaga itong nanay ni Sarah, walang kakupas-kupas. Ang tanong lang namin, bakit parang walang ginagawa ang Viva sa mga pinaggagagawa nitong nanay ng Pop Princess?

Bakit parang dedma lang sila?

Ganu’n na ba talaga ka-powerful ang nanay ni Sarah?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: