Skip to content

Dyowa ni ANGEL mukhang pera raw, wasak na wasak sa TWITTER

September 30, 2012

Sa biglang pagkalas sa Azkals, dumami ang kaaway

Ano kaya ang masasabi ni Angel Locsin sa mga tumitira at nag-aakusa sa magkapatid na Younghusband na mukhang pera raw?

Grabe, pero pinagpipiyestahan nga sa mga blogs ang napabalitang kaya hindi raw nag-join ang magkapatid na sina Phil at James sa kasalukuyang torneo na kasali ang Azkals e, dahil nga sa mga demands nila, partikular sa kanilang suweldo.

Talagang dinagsa ng mga puna at komento ang isang sports forum na nagtataguyod pa naman ng promosyon ng mga larong gaya ng football sa grasroot level kung saan nga nakilala sina Phil at James.

Lumabas na raw ang tunay na kulay ng magkapatid.

Hindi pa raw sila nakuntento sa mga grasyang nakamtan nila simula ng sumikat sila sa Azkals?

Sobra naman daw ang pagpapakita nila ng “pera-pera attitude”.Hindi raw ba naturuan man lang ni Angel bilang kasintahan ni Phil na ipakita ang wastong pagmamahal sa bayan ng hindi inuuna ang salapi o usaping suweldo?

Nakakaloka ang mga puna at pagtatanong kapatid na Ervin lalo pa’t sirang-sira rin ang mga taong sinasabing nakakaimpluwensya sa magkapatid para mag-inarteng super super sikat ang mga ito at kailangan ng kanilang team.

Hay, ‘yun lang muna ang aming masasabi lalo pa’t sa huling laban ng Azkals ay kitang-kita ang katamlayan ng audience attendance.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: