Skip to content

KRIS, VICE may matinding tampuhan?

September 29, 2012

Kaya ba nag-resign sa pelikulang ‘Sisteraka’?

Sa kanyang Twitter account in-announce ni Kris Aquino ang pagba-backout niya sa “Sisteraka.”

Mas priority daw niya ang kanyang top-rating morning talk show na Kris TV sa ABS-CBN kesa sa movie nila dapat ni Vice.

“In the past, my talk show was always the one that suffered because of my ‘acting’ dreams.

More than anything else, I am a talk show host and I can’t be effective with no voice,” tweet ni Kris.

Kunsabagay, sa taping pa lang ni Kris ng teleserye niya with Anne Curtis and Robin Padilla ay nangangarag na siya, what more kung may movie pa na idadagdag sa kanyang napaka-busy na schedule.

Isa pa gusto rin ni Kris na mag-focus ng husto sa kanyang teleserye dahil very close sa kanyang puso ang kwento ng Kailangan Ko’y Ikaw.

Kris TV, teleserye, commercial shoots at ang mga anak na sina Joshua at Bimby ang pumupuno ng schedule ni Kris every week.

Kaya huwag na sanang gawan ng malisya ang pag-backout ni Kris sa movie nila ni Vice.

Nananatiling magkaibigan ang dalawa at naniniwala kami na okay na okay sila ngayon contrary sa mga lumalabas na balitang may matindi silang tampuhan ni Vice.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: