Skip to content

JOLO maligayang-maligaya sa kandungan ni JODI

September 29, 2012

Hinintay talaga namin ang pagdating ni Jolo Revilla sa 46th birthday celebration ng kanyang ama na si Sen. Bong Revilla na ginanap sa Diamond Hotel last Monday.

Hindi naman binigo ni Jolo ang mga naghihintay sa kanya from the entertainment press at nagpaunlak ng interbyu.

Aware si Jolo na mahahaluan ng intriga ang pagtakbo niya bilang vice-governor ng Cavite sa susunod na halalan lalo pa’t makakalaban niya ang anak ni Sen. Ping Lacson na si Ronald Jay.

Hindi lingid sa lahat na nauugnay si Jolo sa aktres na si Jodi Sta. Maria na ex-wife ng nakababatang kapatid ni Ronald Jay na si Pampi Lacson.

Pero naniniwala si Jolo na hindi naman aabot sa personalan ang tunggalian nila ni Ronald Jay. “Sa palagay naman natin, ah, walang personalan ‘to at alam naman  natin na hindi aabot sa ganoon.

Kumbaga, this is a friendly game.

Pagdating lang naman ng eleksyon magkalaban ‘yan, e.

Pero pagkatapos niyan magkaayos na ulit,” lahad ni Jolo.

Siyempre, hindi nakaligtas si Jolo sa mga tanong tungkol sa kanila ni Jodi.

Pero paulit-ulit lang din niyang sinabi na ibalato na lang sa kanya ang tungkol sa kanila ni Jodi.

“As of now, I don’t want to answer questions regarding her.

Siguro masasabi muna natin na I just want to keep my personal life private, for the mean time,” pakiusap ni Jolo.

Although, may manaka-nakang sundot din na sagot si Jolo ukol kay Jodi tulad ng tanong kung someone special din ba sa kanya si Jodi gaya ng sinabi ng aktres noong huli niyang interbyu sa The Buzz.

“Ah, siguro obvious naman,” kasunod ng malaking ngiti sa mukha niya.

Sinagot din ni Jolo ang tanong kung happy din ba siya tulad ni Jodi, “Hindi ba halata? Ha-hahaha!”

“What you see is what you get” ang sagot ni Jolo sa mga litratong naglabasan sa kanila ni Jodi sa Hongkong with their sons.

Kaya tinanong ulit namin siya sa scale of one to 10, nasaan sila ni Jodi?

“Kagaya ng sinabi ko kanina, ayokong sagutin. Ha-hahaha!

Wala naman akong inaamin. May inamin ba ako sa inyo?

Sabi ko, what you see is what you get,” pagtatanggol niya sa sarili.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: