Skip to content

Bukol ni LUIS feel na feel ni VICE

September 29, 2012

Vice type anakan si Kaye Abad, ayaw mag-ampon

Wala palang balak na magkaanak si Vice Ganda.

He does not have the illusion na magiging isang ama siya balang-araw.

“Sa ngayon ha, hindi ko sinasabing parang sarado na ang isip ko.

Napakalaking responsibilidad po ‘yon.

Kung aako din lang ako ng responsibilidad, di ‘yung sa mga pamangkin ko na lang, sila na lang ’yung anakin ko,” sabi ni Vice sa presscon ng “This Guy’s In Love With You Mare” under Star Cinema showing on Oct. 10.

Actually, parang gasgas na plaka na naririnig niya ang rason kung bakit dapat siyang magkaanak – para may mag-alaga sa kanya sa kanyang pagtanda.

“Bilang personal na rason, lagi kong naririnig ‘yung para may mag-alaga sa pagtanda. Iyon ang ginagawang rason ng mga kakilala kong mga bakla at tomboy.

Napaka-selfish kasi ng rason na ‘yun.

Kung gusto mong may mag-alaga, magtrabaho ka nang mahusay, mag-ipon ka para mayroon kang pambayad sa careviger o sa nurse.

“Kung gusto mong ng mag-aalaga sa ‘yo (ay) pakitunguhan mo nang maayos ang pamilya mo nang sa gano’n ‘yung pamilya mo, pamangkin mo ay alagaan ka.

Hindi mo na kailangang mag-ampon pa,” say pa ni Vice.

Vice’s fear is not baseless, “Natatakot ako na baka ‘yung anak ko, eh, makaranas ng…papasok sa eskuwelahan tapos lolokohin.

‘Ay, tatay mo bakla.

Kahit na ipaliwanag ko ‘yun sa anak ko meron at merong sakit na mararamdaman ang anak ko.

Gusto ko siyang ilabas sa pangit na karanasan na ‘yon kaya ayokong mag-anak para walang masaktan dahil lang sa panghuhusga ng lipunan,” esplika niya.

But if ever he changes his mind, type niya si Kaye Abad, “Gusto ko si Kaye.

Gandang-ganda ako sa kanya. Ang ganda niya, ang sexy niya. Sabi ko kung magge-girlfriend ako si Kaye Abad.”

At kung magkakaanak siya ng bading ay okay lang sa kanya, “Hahayaan ko po siya kung iyon po ang magpapaligaya sa kanya ay hindi ko po ipaparanas ang naranasan ko.

Gusto mong maging bakla, magbakla ka pero dapat may katuturan!”

About the issue na may away daw sila ng stand-up comedian na si Ate Gay at nagagamit daw kasi siya para sa promo ng concert nito, narito ang pahayag ni Vice, “‘Yung kay Ate Gay sagutin ko na lang ‘yan pag tapos na ang promo ng concert niya, pero wala akong naaalalang issue kay Ate Gay o nagawa ko sa kanyang anything na negatibo, ie-explain ko ‘to pag tapos na ang concert niya.

“Pero kung gusto niya, susuportahan ko ang show niya, pero pakisabi hindi namin kailangang mag-away. magiging masaya ako pag napuno niya rin ang Araneta at makamit ang mga pangarap niya. wala akong issue kay Ate Gay at hindi rin ako galit sa kanya,” malaman na sabi pa ni Vice na umamin din.

Natawa naman kami nang sabihin ni Vice na exhibitionist talaga si Luis dahil nu’ng shooting daw nila ng “This Guy Is In Love With You Mare” at wala itong keber na naghuhubad sa harap niya.

In fact, talagang na-feel daw niya ang balls ni Luis nu’ng gawin na nila ang kanilang love scene sa movie kung saan pinatungan si nito. Ang big,big daw kasi ng balls ng TV host-actor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: