Skip to content

KIM CHIU: Handa na akong magmahal uli!

September 28, 2012

Maraming fans na ang excited sa muling pagsasama sa teleserye nina Kim Chiu at Xian Lim, ang Ina Kapatid Anak na mapapanood na sa ABS-CBN Primetime Bida kapalit ng Lorenzo’s Time.

Gaganap si Kim sa serye bilang si Celine, isang mahirap na may mataas na ambisyon sa buhay, “Ako po rito ay parang isang tsinelas na sobrang sira na, na puwede mong dalhin kahit saan.

Yung paa mo, malayang-malaya kapag nakasuot ka ng tsinelas.

“Tapos parang ganoon yung character ko, malaya, puwede kong gawin kahit na ano ang gusto ko.

Mahirap lang yung role ko rito, parang ambisyosa, parang marami siyang gustong marating, lalung-lalo na yung mabago yung buhay niya, yung makasuot siya ng matingkad na sapatos,” paglalarawan ni Kim sa kanyang role sa serye.

Tungkol naman kay Xian Lim na patuloy na nanliligaw sa kanya, mas lumalim pa raw ang pagkakaibigan nila, “Kaming dalawa, siguro mas naging close kami ngayon. Sumasama siya sa amin ng mga kabarkada ko, since konti lang yung friends niya from showbiz.

“Yun nga, sabi niya, loner siya, isinasama namin siya. And masaya naman siyang kasama,” say pa ni Kim.

Napi-feel naman ni Kim na espesyal nga siya kay Xian, “Kasi tinatrato niyang espesyal yung buong pamilya ko.

Nu’ng magkaroon siya ng mall show sa Cebu, sabi niya gusto niyang dalawin yung lola ko doon.

Sabi ko, ‘Anong gagawin mo sa lola ko?’ Parang ganoon.

“Minsan, sasabihin niya, ‘Puwedeng dumalaw sa bahay ninyo?’ ‘Anong gagawin mo?’ ‘Makikikain lang.’ Ganoon siya.

Nakakatuwa naman. Pero sana hindi siya magsawa,” say pa ng aktres.

Handa na rin daw siyang magmahal uli, “Puwede na, kasi two years na rin naman (after nilang maghiwalay ni Gerald Anderson).”

Si Xian na ba ang lalaking susunod niyang mamahalin? “Konting effort pa!” natatawang chika ni Kim.

Ano ba ang mga espesyal na bagay na ginagawa sa kanya ng aktor?

“Siguro yung kapag nagbigay siya ng gift kahit wala namang okasyon.

Gaya nu’ng binigyan niya ako ng bag na pink na Prada. Sabi ko, ‘Anong meron?’ ‘Wala lang!”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: