Skip to content

JODI, PAPA CHEN limpak-limpak na salapi ang inaakyat sa ABS-CBN

September 28, 2012

Patuloy ang pag-ariba ng ‘Be Careful With My Heart’

Hindi talaga mapigilan ang pagtaas lalo ng rating ng daytime soap ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart starring my kumare cum anak-anakang si Jodi Sta. Maria and the super sikat na si Richard “Papa Chen” Yap lalo pa’t napapanood na rin ito tuwing Sabado.

Pati commercials nito ay parami na nang para mi. Meaning, talagang nag-aakyat ito ng maraming pera sa kaban ng Dos.

In fact, pangalawang Sabado na nila bukas sa ere kaya tuwang-tuwa ang mga office girls na nabibitin sa panonood sa kanila.

Ngayon ay solong-solo na nila ang Be Careful With My Heart, hindi na sila naaabala ng kanilang trabaho sa office. Ha-hahaha!

Ever since naman ay hindi puwedeng tawaran ang husay ni Jodi as an actress, mapa-heavy drama o pa-tweetums o mapaka-comedy – versatile talaga siya.

Ang ikinatuwa lang namin for her ay finally, dumating din ang panahon ng pagsikat niya nang husto. Yes, she’s a good actress pero was never a star – pero ngayon, she’s both a star and an actress na.

Grabe ang following nilang dalawa ni Richard Yap. Para nga silang magka-loveteam ngayon.

And take note, nagri-regional guestings na rin sila dahil super request sila ng kanilang mga fans sa probinsiya.

At least, additional racket for both Jodi and Richard ito.

After all, pareho naman silang kumakanta kaya walang problema. Lalong dagdag kita pa for them kamo.

Bukod sa Be Careful With My Heart Sabado Rewind, lalo pang natuwa ang kanilang mga fans dahil finally ay released na ang nine-track official soundtrack ng kanilang serye.

What a nice treat for us all, di ba? Jodi has two solo tracks sa said album and may dalawa rin silang duet ni Richard.

Meron ding track na kinanta ni Aiza Seguerra at may duet din sina Sam Milby and Juris, ang version nila ng “Be Careful With My Heart”. Maganda ang album na ito kaya grab a copy.

Basta kami, fan kami forever ni Jodi. Aside from being a very good actress, napakasarap niyang kaibigan.

Mapagmahal at maalalahanin. Sana magtuluy-tuloy pa ang kanyang swerte.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: