Skip to content

MAJA diet muna sa lalaki, enjoy kahit walang dyowa

September 25, 2012

KAHIT walang boyfriend, ine-enjoy lang ni Maja Salvador ang pagiging single.

At hindi rin daw siya atat na magkaroon uli ng lovelife pagkatapos nilang maghiwalay ni Matteo Guidicelli.

Ayon sa Kapamilya actress, kung may darating na bagong lalaki sa buhay niya, e, di okay, pero kung wala naman daw, hindi niya ipagpipilitan.

Naniniwala kasi si Maja na hindi hinahanap ang lovelife, kusa itong dumarating.

Dagdag pa ni Maja, mas mabuti nga raw ‘yung wala siyang boyfriend ngayon dahil naibibigay niya ang kanyang 100 percent sa trabaho, lalo na ngayong tuluy-tuloy na ang taping nila para sa bagong teleserye ng ABS, ang Ina Kapatid Anak kung saan makakatambal nila si Enchong Dee, kasama sina Xian Lim at ang best friend niyang si Kim Chiu.

Ngayong Oktubre na ipalalabas sa ABS-CBN Primetime Bida ang Ina Kapatid Anak kung saan magtatagisan sa drama sina Maja at Kim kasama ang ilan sa magagaling na aktor sa local showbiz, tulad nina Janice de Belen, Cherry Pie Picache at Ariel Rivera, idagdag pa ang mga veteran stars na sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Guiterrez.

Ito ay sa direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin.

Abangan ang nalalapit nang engrandeng pagbubukas ng Ina Kapatid Anak ngayong Oktubre sa Primetime Bida.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: