Skip to content

HAYDEN ayaw nang makita sina KATRINA at MARICAR?

September 25, 2012

Ngayong finally ay magiging ganap ng isang artista si Hayden Kho, marahil naman ay may ilalabas naman siyang galing sa pag-arte.

Sa tindi kasi ng mga pinagdaanan niyang bagyo noon dahil sa mga iskandalo at kontrobersya na nagtanggal pa nga ng lisensya niya bilang isang doktor, e, inaasahan ng marami na makapagbibigay siya ng magandang acting.

Sa mismong bibig na rin niya nanggaling na wala na siguro siyang hindi puwedeng kayaning intriga sa showbiz dahil kakambal na raw niya yata ang mga ito.

Regal Films ang nagtiwala sa kanya para gawin siyang isang ganap na aktor and very soon ay mahuhusgahan natin kung may lugar nga siya sa showbiz.

Sa kanyang unang project na “The Bride And The Lover”, bodyguard ni Lovi Poe ang papel ni Hayden.

Nabalitaan din nating suportado pa rin siya ni Dra. Vicki Belo na kahit nakapag-move-on sa pakikipaghiwalay sa kanya (nga ba?) ay itinuturing pa rin siyang kaibigan at magandang bahagi ng isang pangit umanong nakaraan.

Tawa lang din ang isinagot ni Hayden sa makatotohanang tanong kung ready din ba siyang makatrabaho ang mga babaeng naging bahagi ng malaking iskandalo sa buhay niya gaya nina Katrina Halili at Maricar Reyes?

Hay naku, sa mundo ng showbiz, ano nga ba ang imposible?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: