Skip to content

VALERIE ‘NAGSAWA’ sa dyowang basketball player, pumatol sa doktor

September 24, 2012

Away-bati raw kasi ang naging relasyon

HIWALAY na pala sina Valerie Concepcion at basketbolistang boyfriend niyang si Dondon Hontiveros.

On and off daw ang relasyon ng dalawa pero nitong Mayo lang talaga tinuldukan ng aktres ang relasyon niya sa basketbolista at sa pagkakarinig namin ay may ibang boyfriend na ngayon si Valerie, isang doctor daw ang bagong BF ngayon ng aktres.

Pero hindi naman itinanggi ng nagkuwento sa amin na talagang na-depress din si Valerie nang maghiwalay sila ni Dondon at sa katunayan ay tumaba ang aktres dahil wala raw itong ginawa kundi magkakain.

Nagpapapayat na si Valerie ngayon dahil napansin niyang wala ng projects na dumarating sa kanya.

Oo nga bossing Ervin, walong buwan nang walang proyekto si Valerie, e, single mom pa naman ang lola mo kaya need niya ng raket.Huling TV project ni Valerie ay ang E-Boy at umaasa siyang masusundan na ito very soon.

Anyway, magiging regular host na ba ang aktres sa morning show ng Dos na Umagang Kay Ganda tulad ng napabalita noon?

May nakapagsabi sa amin na ilang beses na nilang napanood si Val sa nasabing programa pero hindi nila alam kung regular na siya doon.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: