Skip to content

SARAH malas talaga; GERALD itatambal kay SANDARA PARK

September 24, 2012

Pagkatapos ibasura ang susunod nilang pelikula

NASA Twitter na rin si Sandara Park.

Actually, wala pa siyang one week sa nasabing social networking sites.

Nakakatawa nga dahil si Pokwang na nakasama ni Sandara sa isang movie or TV show yata ay hindi makapaniwala na si Sandara nga ang nag-tweet sa kanya kaya kung anu-ano ang tinanong niya rito bago siya napaniwalang siya nga ito.

Ang isa pang unang naka-tweet ni Sandara ay si Luis Manzano. Close pala siya sa TV host-actor.

Sikat pa rin naman pala si Sandara.

In fairness sa kanya, kahit na matagal na siyang wala sa bansa at naka-base na sa Korea ay marami pa rin naman palang humahanga sa kanya.

Bagama’t bago pa lang siya sa Twitter world ay meron na kaagad na 159,498 followers si Sandara. Marami ang nagtatanong kung kailan siya babalik sa bansa, bagay na hindi pa niya matiyak.

Pero may tsismis na gagawa ng movie si Sandara sa Star Cinema next year. Isang rom-com yata ang nakatakda niyang gawin.

Pinagpipilian pa raw kung sino between Mario Maurer, yes, the Thai superstar na contract artist ng Star Cinema, at Gerald Anderson ang kanyang magiging leading man.

Mukhang na-miss ni Sandara nang husto ang pagkaing Pinoy.

Nang may magyaya kasi sa kanya na kumain sa isang sikat na Pinoy resto ay kaagad siyang nag-tweet na gusto na niyang matikman ang pagkaing Pinoy at ang ilan dtto ay ang, “sinigang na hipon, pinakbet, kilawin pusit, sisig, gambas, garlic rice and freshly squeezed orange juice!:)”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: