Skip to content

JOHN LLOYD sinasaktan si SHAINA para paligayahin si ANGELICA

September 24, 2012

Kung anu-ano pa kasi ang sinasabi kaya tinawag na taklesa

Inaasahan na namin ang pagtatanggol ng kanyang mga magulang kay Shaina Magdayao dahil sa isang pataklesang linyang binitiwan ni John Lloyd Cruz kamakailan na sa piling lang daw ni Angelica Panganiban ito lumigaya.

Natural, napakasakit ng ganu’ng mga salita para sa isang babaeng nakarelasyon ng nagsasalita tungkol sa kanyang bagong pag-ibig, mas masakit pa nga ‘yun kung tutuusin para sa mga magulang ng babae.

Opinyon ng kampo ni Shaina, kung gustong itaas ni John Lloyd ang posisyon ni Angelica sa kanyang puso, kung gustong kilitiin ng aktor ang ego ng kanyang girlfriend ngayon ay huwag sanang gamitin pa ang mga litanyang makakasakit sa kanyang ex.

Sa pagsasabi nga naman ni JLC na sa piling lang ni Angelica ito lumigaya ay ano pa nga ba ang maiisip ng mas nakararami lalo na ng mismong mga nagmamahal kay Shaina, di ba’t hindi ito lumigaya sa dalaga, na puro lungkot lang ang ibinigay ni Shaina sa kanya?Ang mga ganu’ng salita, siyempre pa, ay inalmahan ng ina ni Shaina na si Mommy Deanne.

Marami itong gustong sabihin, pero dahil ayaw nila ng gulo, ang personal na sakit ng kalooban na lang ngayon ni Shaina ang kanyang tinututukan.

Nakipaghiwalay na noon si Shaina kay John Lloyd, pero ang aktor ang nakipagbalikan, niligawan nito pati ang mga magulang ni Shaina, tanggapin lang uli ito ng dalaga.

‘Yun nga ba naman ang klase ng babaeng hindi man lang nakapagbigay ng ligaya sa kanya, nakipaghiwalay na, pero binalikan pa rin ng aktor?

Kung minsan talaga ay nagpapadala ang lalaki sa init ng isang bagong relasyon.

Parang ulam. Dahil bago sa panlasa ay sarap na sarap ito, nilalasahan nang husto ang bagong putahe, hanggang sa isang araw ay magsawa lang uli.

Ang maganda lang kay Shaina ay hindi siya nagbibigay ng panahon sa mga ganu’ng parunggit, hindi rin siya nagpapadala sa pambubuska ng mga taong walang nararamdamang tunay na kaligayahan, malaki ang tiwala ni Shaina Magdayao sa kanyang pagkababae.

One Comment leave one →
  1. Carina agdao permalink
    November 26, 2012 7:59 pm

    Shaina is emotionally secured woman. God will surely bless her. Hwag nya ng pansinin si angelica, she’s not a threat, isa syang ksp at nevermind na baka kung ano pang ma post ko. Just be strong, you will be blessed Shaina!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: