Skip to content

DANIEL swerte sa career, malas kay KATHRYN?

September 23, 2012

Napakaswerte talaga ni Daniel Padilla.

Bukod sa sandamakmak ngayon ang projects niya, mukhang bibigay na rin sa kanya si Kathryn Bernardo.

Todo-todo pa rin ang panliligaw ni Daniel sa kanyang ka-loveteam sa Princess And I at hindi raw niya titigilan ang dalaga hangga’t hindi niya ito napapasagot.

Talaga raw nag-e-effort siya para mas lalong mapalapit kay Kathryn, “Oo naman, siyempre kumbaga, mas ma-effort pa ako ngayon kesa dati.

Laging may ihihigit pa ‘yun, hindi ka dapat mauubusan ng energy para sa kanya.”

At tiyak na hahaba na naman ang hair ni Kathryn sa sumunod na naging pahayag ni Daniel, ayon sa binata sa ngayon daw ay ayaw niya ng ibang partner sa showbiz, gusto niya si Kathryn lang.

“Ayokong magsalita ng tapos kasi para sa akin talaga wala eh. Sa ngayon.

Hindi ako sa magpo-promo-promo lang pero pag iniisip ko parang si Kathryn ang pinakakumportableng katrabaho. Parang hindi ko na na-i-imagine sarili ko na may ibang katrabaho.

Hindi ito pag-po-promo ng Kathniel, ha.

Hindi naman ganun. Talagang si Kathryn lang,” sabi ng binata.

Inamin naman ni Daniel na talagang nakakapagod ang trabaho niya ngayon, lalo na kapag malayo ang location nila, at isabay pa ang kanilang mga mall tours.

“Talagang kulang na kulang ako sa tulog ngayon pero ganu’n talaga eh.

Ang pinaka-malaking challenge siguro sa akin ngayon is yung puyat.

Puyat at pagod, ‘yun lang talaga ang kalaban ko,” pag-amin pa ng binata.

Oo naman, siya pa ba ang magrereklamo?

E, ‘yung iba nga halos ibenta na ang mga katawan nila para lang magkaroon ng proyekto, di ba?

Anyway, sulit naman daw ang pagod nina Daniel at Kathryn dahil three weeks nang number one overall TV program sa buong Pilipinas ang royal teleserye nila sa ABS-CBN na Princess And I.

Base sa datos ng Kantar Media noong Miyerkules, reyna ng primetime muli ang Princess And I taglay ang 40% national TV ratings.

Huwag palampasin ang mga susunod na pasabog sa buhay ni Mikay (Kathryn) na kinikilala na ngayon ng lahat bilang si Prinsesa Ariyah sa Princess And I after TV Patrol.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: