Skip to content

CHARICE nilayasan ang nanay, sinulsulan ng bagong manager?

September 23, 2012

Hindi na raw umuuwi sa bahay ng pamilya

ISA na naman ang matatanggal sa mga natitirang finalists sa X Factor Philippines ng ABS-CBN ngayong gabi.

Natanggal na last Sunday ang “anak-anakan” ni judge-mentor Martin Nieverra na si Kedebon Colim.

Naging very emotional ‘di lang si Kedebon sa pagkakatanggal niya sa X Factor kundi maging si Martin at ang iba pang judge-mentor ng reality talent show plus ang audience na nanood ng live sa PAGCOR Parañaque. Taga-Cebu si Kedebon at mula sa mahirap na pamilya.

Naging internet café attendant at construction worker si Kedebon.

Ang iba pang kasali sa final 5 ng X Factor ay sina Jeric Medina, Gabriel Maturan, Allen Sta. Maria, KZ Tandingan at ang Daddy’s Home.

From among them, may maiiwan na tatlo na siyang maglalaban-laban sa grand finals. Pero ngayon pa lang, may bet na kami sa tatlong maghaharap sa grand showdown na panonoorin talaga namin ng live, huh!

Noong first time kasi na napanood namin ang mga contestant ng X Factor sa live performance nila, e, sobrang excitement ang na-feel namin.

Doon nagkaroon din kami ng chance na personal na makausap si Charice at ma-meet ang sinasabing bago niyang manager na si Courtney Blooding na dati niyang personal assistant.

Sa Tweeter account ni Charice heto ang naging message niya, “Grace  is no longer my manager.

I thank her for the work and time she has spent with me. And Courtney is my new point of contact.”

Bukod sa pagiging bagong manager, binibigyan din ng ibang pakahulugan ang relasyon nina Charice at Courtney.

May tsika pa na si Courtney din daw ang dahilan ng hindi pagkakaunawan diumano ni Charice at ng kanyang ina.

Hindi nga raw nag-uusap si Charice at ang kanyang nanay.

At ‘di na rin daw tumutuloy si Charice sa bahay nila ng kanyang ina every time dumarating siya ng Pilipinas every weekend para sa pagiging judge-mentor ng X Factor.

Si Charice ang mentor ng highly-favored grand finalist ng X Factor na si KZ.

Napanood namin mismo si KZ na kumanta ng live sa nasabing reality show at kami man ay napabilib sa talent nito plus ang pagme-mentoring na ginagawa ni Charice sa kanya.

Malaki ang chance ni KZ na tanghaling first ever grand winner ng X Factor at maging next big multimedia superstar ng bansa.

Magaganap ang grand finals ng X Factor sa Oct. 6 and 7.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: