Skip to content

HEART, SEN. CHIZ naglolokohan lang, gimik lang daw ang relasyon

September 22, 2012

Sa Kris TV pa rin kahapon ng umaga, nag-face-to-face ang ang rumored boyfriend ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero at ang dati niyang karelasyon na si Jericho Rosales.

In fairness, wala naman kaming nakitang ila-ngan sa dalawa, tulad ng aming inaasahan.

Game na game sila pareho sa pagsagot sa mga isyung pinag-usapan nila nina Kris.

Ayon kay Chiz hindi naman siya nailang na makaharap at mainterbyu si Jericho. Aniya, “Friends kami.

” Kahit naman si Echo ay hindi nailang habang kaharap ang senador. E, matagal na namang panahon ‘yung sa kanila ni Heart kaya hindi na big deal para sa kanila ‘yun.  May mga nagtatanggol naman kina Heart at Chiz tungkol sa akusasyon na naggagamitan lang sila at gimik lang ang kanilang “relasyon”.

Ayon sa ilang nakausap namin, hindi naman daw ganu’n ka-cheap ang dalawa para gumawa ng isang bagay na ikasisira rin nila sa bandang huli.

“Edukado silang pareho, tsaka hindi sila ‘yung tipo na manloloko ng mga tao para lang pag-usapan.

Tsaka, tingnan n’yo, ayaw nga nilang magsalita tungkol sa lovelife nila, di ba? ‘Yun ba ang gumigimik?

Kung gusto nilang makakuha ng libreng publicity dapat sinamantala na nila ang chance, dapat dumakdak na sila nanmg dumakdak para tuluy-tuloy ang issue sa kanila!” mahabang pahayag ng isang taong malapit kay Heart.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: