Skip to content

ECHO: Gusto ko nang pakasalan si KIM!

September 22, 2012

Handa nang magkaroon ng sariling pamilya

HINDI nagkailangan ang dalawang lalaking naka-relasyon at kasalukuyang nauugnay kay Heart Evangelista na sina Sen. Chiz Escudero at Jericho Rosales sa episode ng Kris TV kahapon ng umaga.

Deretsahang tinanong ni Kris Aquino si Echo kung walang ilang factor siyang nararamdaman kay Chiz at nagulat pa nga ang aktor kaya nagtanong ito kung bakit at sinabi nga sa kanya na kaharap niya ang senador.

At saka lang sumagot si Echo ng, “Ahh, gets ko na, wala naman.”

Oo naman, dahil kitang-kitang masayang-masaya ngayon ang aktor sa piling ng girlfriend niyang TV host na si Kim Jones at inamin na rin niya on  national TV na ang dalaga na ang gusto niyang pakasalan at wala ng iba pa.

Ang inialay niyang kanta para kay Kim ay ang “Minsan Lang Kitang Iibigin” na orihinal ni Ariel Rivera na ni-revive naman ni Gary Valenciano.

Samantala, magaling lumusot si Sen. Chiz dahil kapag binibigla siya ng tanong ni Kris tungkol kay Heart Evangelista ay hindi siya umaamin at idinadaan sa tawa.

And for the record ay mag-iisang taon na ang relasyon nina Jericho at Kim Jones sa Oct. 29.

Sabi ni Echo  walong buwan din niyang niligawan ang TV host.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: