Skip to content

DANIEL, COCO parusa sa mga security guard ng mall

September 22, 2012

Flop ang appearance ng cast ng seryeng Faithfully sa ginanap na opening ng Puregold branch sa Subic noong Miyerkules na pina-ngunahan nina Maxene Magalona, Michelle Madrigal at Marc Abaya.

Base sa kuwento sa amin ng security officer sa Activity Center ng Harbor Point Subic, petiks lang daw ang lahat ng guard na itinalaga para mag-assist sa mga artista dahil wala naman daw masyadong tao silang hahawiin.

“Walang masyadong tao ngayon, hindi tulad noong kina Daniel (Padilla) at Coco (Martin), halos mabuwag ang buong mall, nagkasakit-sakit mga katawan namin,” sabi sa amin.

Iba pa rin daw ang presensiya nina Daniel at Coco na nag-show ng solo-solo dahil hindi kinaya ng sangkaterbang marshall at SWAT team ng Ayala group ang audience bukod pa sa hinarang pa ng ambulansiya at trak ng bumbero ang venue para pigilan ang mga taong nagkakagulo at gustong makalapit sa dalawang Kapamilya actor.

Halos wala pa raw isang libo ang mga taong dumating sa event nina Michelle, Marc at Maxene.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: