Skip to content

CARMINA atat na atat nang magpabuntis kay ZOREN

September 21, 2012

Bukod sa nakaplanong pagpapakasal  sa 2013

WALA pa raw panahon sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi para planuhin ang kanilang kasal.

Ayon kay Carmina, marami pa raw kasi silang commitments kaya hindi pa nila maasikaso ang kanilang wedding.

“Sana nga, this year na. Pero wala pa talaga, e.

Baka sakaling pagkatapos ng Lorenzo’s Time, baka sakaling meron ng time na magplano-plano, ganu’n, ganu’n,” chika ni Carmina sa thanksgiving presscon ng Lorenzo’s Time na malapit na ngang magtapos sa ABS-CBN Primetime Bida.

“Sana talaga this year. Alam ko namang madali lang planuhin kasi hindi naman kami yung malaki.

Pero gusto ko talaga ‘yung kami-kami lang, kaya alam kong madali lang iplano,” dagdag pa ng TV host-actress.Obviously, kahit hindi pa sila kasal ay napakaganda ng pagsasama nila ni Zoren, walang masyadong intriga sa kanilang relasyon at okay na okay din ang kanilang kambal.

Ano nga ba ang sikreto nilang mag-asawa?

“Siguro yung respeto namin sa isa’t isa as a partner, as an actor, bilang magkaibigan.

Saka yung tiwala sa isa’t isa. Siyempre, hindi naman kami magkasama palagi, so kailangan ng trust.

“Yun talaga yung tatlong sikreto namin – ‘yung love, respect, and trust,” tugon pa ng ka-loveteam ng child wonder na si Zaijian Jaranilla sa Lorenzo’s Time.

Dinenay naman ni Carmina na buntis uli siya.

Tinukso kasi siya ng press na baka raw pregnant siya dahil gigil na gigil siya kay Zaijian, baka raw pinaglilihian niya ang bagets.

“Ay, hindi! Hindi ‘no! Nanggigil lang kasi ako sa kanya kasi ang cute-cute niya,” paglilinaw ng aktres.

Actually, wish daw talaga ni Carmina ang mabuntis uli, “Pero eleven years old na ang kambal, medyo malayo na yung gap. Pero pag dumating, e, di sige, okay lang.

Pero hindi namin talaga pinagpaplanuhan  na magka-baby uli.

“Kasi kung eager talaga ako sundan, di sana noon pa.

Basta pag dumating, dumating, di ba? Welcome na welcome siya sa amin,” chika pa ni Mina.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: