Skip to content

Relasyong JODI-JOLO mamalasin

September 19, 2012

NANINIWALA kami na matagal nang magkarelasyon sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla.

Actually, matagal na namang issue ‘yan, di ba?

Hindi lang nila siguro maamin-amin dahil may mga taong dapat nilang protektahan.

Kung matatandaan n’yo pa, bago pa pumutok ang issue sa pagitan nina Iwa Moto at Jodi nang dahil kay Pampi Lacson ay may bulung-bulungan na tungkol sa lihim na pagtatagpo nina Jodi at Jolo.

Si Pampi ngayon ang boyfriend ni Iwa na dating asawa ni Jodi.

May balitang nagli-live in na raw ang dalawa.

Ayon pa sa balita, madalas din daw na nasa bahay ni Pampi ang anak nila ni Jodi na si Thirdy at si Iwa raw mismo ang nag-aalaga sa bata.

Sa nakaraang episode ng The Buzz sa ABS-CBN, kitang-kita sa itsura ni Jodi ang pagiging in love. Pabitin pa ang sagot niya sa tanong ni Boy Abunda kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Jolo.

“I could say, he’s someone special.

‘Yun po, hanggang doon na lang muna,” ang sagot ni Jodi na iwas na iwas sa nasabing issue.

Pero sa naging reaksiyon daw ng anak niyang si Thirdy nang tanungin ni tito Boy si Jodi kung boyfriend na siya, e, siguradong makulay nga ang lovelife ngayon ng leading lady ni Richard Yap sa number one morning series na Be Careful With My Heart sa ABS-CBN.

Napa-“Yehey!” daw kasi ang bagets nang marinig nito ang tanong kung may boyfriend na si Jodi, tawa lang nang tawa ang aktres sa pagsigaw ng anak.

Anyway, wala kaming nakikitang masama kung magdyowa na ang dalawa, pareho naman silang single ngayon.

Maaaring nais lamang nilang maging pribado at tahimik ang kanilang relasyon kaya mas pinili nilang manahimik na lang muna.

Baka natatakot silang malasin ang kanilang relasyon kapag ibinandera nila ang totoo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: