Skip to content

LIAN PAZ: Nakakahiya naman ‘yun sa akin bilang babae at ina!

September 17, 2012

Kung walang ibang babae si Paolo baka siya raw ang may kabit…

MAY mga nagsasabi na may misteryosang babae sa buhay ni Paolo Contis.

Ito raw ang tunay na dahilan kung bakit bigla niyang hiniwalayan si Lian Paz at nagdesisyong iwan muna ang kanyang mga anak.

Ayon sa mga chika, naniniwala sila na hindi pera at ang sinasabi ni Lian na“differences” nila ni Paolo ang tunay na dahilan ng kanilang break-up, hindi raw kapani-paniwala ang mga nasabing rason dahil very obvious daw na hindi ito totoo.

“Paanong pera, paanong panahon, e, hindi naman sila masyadong busy.

Regular naman silang nagkikita, hindi naman ganu’n kapuno ang schedule ni Paolo.

Si Lian naman ngayon lang nagkatrabaho, kaya sinong busy? Palusot na lang nila ‘yun.

Babae ‘yan, sigurado. Hindi lang madiretso ni Lian kasi gusto pa rin niyang protektahan ang asawa niya,” sabi ng isa naming nakausap.Ayon naman sa isang nakakuwentuhan namin, “Hindi kaya si Lian ang may lalaki?

Kasi hindi naman nakilala si Paolo na babaero, siya ‘yung tipong one-woman man.

Pero may history nga siya na siya ang nakikipaghiwalay sa babae.

Di ba, ganu’n din ang nangyari sa kanila ni Isabel Oli?”

Ayon naman kay Lian, wala siyang lalaki, at hinding-hindi niya raw ito magagawa sa kanyang asawa.

Sa interview sa kanya ng Ang Latest (TV5), “Ako po? Naku po, ang sakit naman pong isipin na ganu’n po yung nabalitaan niya, o may nakita siya.

“Kasi lahat po ng lakad ko, ipinapaalam ko po sa kanya.

Saka ‘yung mga kasama ko po either sa Makati po ba ito, Ortigas po ba ito, ay mga nakatrabaho ko po ito, ka-meeting ko po.

“Tsaka hindi ko naman po siya ilalagay sa kahihiyan, kasi siyempre alam ko po ang ego ng isang lalaki.

Kung gagawa po ako ng kalokohan, bakit ko naman po ipapakita nang harap-harapan, sa labas?

Nakakahiya po yun sa akin bilang isang babae at isang ina,” pahayag pa ni Lian.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: