Skip to content

KATHRYN: MU na kami ni DANIEL…Magulong Usapan po!’

September 17, 2012

Sumusumpa si Kathryn Bernardo na wala pa silang seryosong relasyon ng leading man niya sa Princess And I na si Daniel Padilla.

Hindi naman daw sila nagmamadali at pareho raw silang trabaho ang priority sa ngayon.

Nilinaw din ni Kathryn ang balitang pinipilit na raw siya ni Daniel na sagutin siya.

Hindi naman daw ganu’ng klaseng lalaki ang binata.

Sa katunayan nga raw, sobrang marespeto ang batang aktor.

Wala pa siyang nakikitang major-major kapintasan sa binata.

Pero totoo nga bang may mutual understanding na sila ni Daniel? “MU?

Magulong Usapan! Ha-hahaha! Hindi po, basta okay kami, friends po kami ngayon. Ganu’n pa rin, close pa rin.”

Mas maalaga raw ngayon si Daniel sa kanya, habang tumatagal daw ay mas lalo pa itong nagiging gentleman, hindi lang sa kanya kundi kahit sa iba pa nitong mga kaibigan.E, may pag-asa nga ba si Daniel sa kanya? “Ha? Matagal pa. Lahat may pag-asa.

Kung sincere sila… kahit sino manligaw basta sincere.”

Well, siguradong bantay-sarado ang dalawang bagets sa kani-kanilang mga pamilya.

Mahirap na nga naman ang panahon ngayon.

Kahit na sabihin nating wala pa sa personalidad nila ang papasok sa isang seryosong relasyon, e, posibleng makagawa sila ng mga bagay na maaari nilang pagsisihan sa bandang huli.

Samantala, hot topic kamakailan ang malaking sunog na tumupok sa bahay ng karakter ni Kathryn sa royal teleserye ng ABS-CBN Primetime Bida na Princess And I.

Dahil sa kapahamakang idinulot ni Ashi Behati (Gretchen Barretto) na siyang mastermind ng sunog sa bahay nina Mikay (Kathryn), bumuhos ang iba’t ibang matitinding emosyon ng mga manonood sa sikat na microblogging site na Twitter.

Sa dami ng tweets ng fans, agad na naging trending topics nationwide ang hashtags na #PrincessAndIOnFire, #Mikay, #Gino, at #Jao.

Pinakapinag-usapan ng netizens ang kabayanihan ni Mikay na buong tapang na iniligtas ang kanyang tatay Dinoy (Dominic Ochoa) sa gitna ng mapangabi na sunog at ang pagsugod sa ospital nina Gino (Daniel) at Jao (Enrique Gil) na kapwa nag-alala kay Mikay.

Samantala, muli na namang pinatunayan nina Kathryn, Daniel, Enrique at Khalil Ramos ang kakaibang lakas nang hatak nila sa publiko.

Dahil bukod sa pamamayagpag bilang number one teleserye sa Primetime Bida ng ABS, nakamit naman ng official soundtrack nito na “Love Songs from Princess and I” ang gold record status sa loob lamang ng dalawang buwan.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: