Skip to content

One on One with IZA CALZADO: Still the same girl

September 16, 2012

Ni Julie Bonifacio

SUPER honored si Iza Calzado sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para sa espesyal na episode na ginawa niya para sa “Maalaala Mo Kaya” na napanood kagabi.

Hindi nga raw niya maintindihan kung bakit nabigyan siya ng ganitong treatment ng mga ehekutibo ng “Maalaala Mo Kaya.”

This is the second time na ibinahagi ni Iza ang kanyang acting prowess sa most-awarded at longest running drama anthology on television hosted by Charo Santos.

At sa naturang solo presscon ni Iza ay nagkaroon kami ng chance na makausap siya ng one-on-one para sa BANDERA.

BANDERA: Super espesyal ba ang kwento ng episode niya sa “Maalaala Mo Kaya” kaya ka binigyan ng solo presscon?
IZA CALZADO: It’s my birthday episode supposedly, uhm, but I didn’t know.

Dapat talaga August siya, na-move nang na-move.

Well, maganda kasi ‘yung story. She’s a doctor that suffers from a major depression because of, you know, like anything in life may mga pinagdadaaanan tayo.

Hindi lang niya nakayanan.

Pero bilang isang doctor ay nawala ang kredibilidad niya.

Then, of course, she had to find a way para makabangon doon.

At bumangon siya, ‘yun ang maganda doon.

It’s also a father-daughter story.

I’m trying to understand why I have my solo presscon but I’m just very grateful for whatever reason I got on their good graces at talagang nagpa-presscon pa.

Sabi ko nga, normal ba? Hindi ko alam, akala ko once in a while lang nagpapa-presscon.

But kung anuman po’ng rason ay nabigyan po ako ng pagkakataong maibahagi sa mga kapatid natin sa press ang istorya at mabigyan ng pagkakataon na ma-promote ang show bago pa mag-launch.

B: Ano ang pagkakaiba sa ikalawang paglabas mo sa “Maalaala Mo Kaya” sa unang episode mo?
IC: Well, ‘yung first time kasi mas light ‘yung story. It’s a story about friends, cancer and love.

Ngayon naman, it’s really a story of struggle of a human being.

This time, nakasentro sa akin.

Kaya eto naka-focus sa akin and actually, kay Tatay Bembol (Roco).

B: Pang-award ba ang performance na binigay mo sa MMK?
IC: Naku, I have no expectations.

Sabi ko noon, kahit magandahan lang sana ‘yung mga tao dito sa episode na ginagawa ko.

Kasi nagsabay ‘yung soap at eto na ginawa ko, e. So, sabi ko, ‘Kalurky.’

B: Nangangarag ka ba dami ng ginagawa mo sa ABS-CBN?
IC: Ay, hindi po. Noong time lang na ‘yun, nagsabay lang.

B: Ilang months ka na sa Kapamilya network?
IC: Wala pa namang one year.

Bale kasi last week ng January ako nag-sign, e, so, ano mage-eight months.

B: Was there any chance na naramdaman mo na nababagalan ka sa takbo ng career mo sa ABS-CBN?
IC: Hindi! I’m very happy. Of course, I still have goals ‘no.

Hindi naman ibig sabihin na hanggang dito na lang ang tingin ko, hindi.

Of course, I will still keep on working and wanting better things for me.

B: Ano pa ang mga naka-line up sa iyo?
IC: Hindi pa ako sure, e. Pero sabi ko nga, kung anuman ang dumating at sana maganda, e, ‘di okey.

B: Much-awaited din sa fans mona makagawa siya ng movie sa Star Cinema. Kailan kaya ‘to?
IC: E, sa totoo lang po wala pa ako’ng panahon para doon.

Pero baka raw may John Lloyd-Sarah (Geronimo).

Baka raw po mag-resume na. ‘Yun na lang po ang hinihintay ko.

Pero kung hindi pa sila magre-resume sana may iba. Marami pa akong gusto na sana magawa with ABS-CBN I also  would like to continue honing ng craft in hosting, and also as an actress.

Marami po. Si John Lloyd, Coco Martin, si Piolo (Pascual).

Marami pa ako’ng gustong makarabaho.

Sa mga babae naman sina Bea (Alonzo), Angelica (Panganiban), Angel (Locsin), Karylle I want to work with her.

B: May iba ka pa bang gustong gawin sa mga  darating na panahon?
IC: Naghahanap ako ng advocacy na pwedeng, to do something.

Hayaan mo, malalaman ninyo kung mahanap ko na siya.

Siyempre as a person gusto mo you have to live for something, to fight for something, to stand for something.

B: Bakit mo naisip ‘yan?
IC: Ah, just something, because I’ve been blessed with an opportunity to influence others.

Epekto siguro ‘to ng pagiging tao na you want to give back.

B: During your birthday, ang boyfriend mo na si Brent Wintle na isang Filipino-British entrepreneur and sportsman ang nagbigay sa iyo ng party. Bukod doon, ano pa ang regalo niya sa iyo?
IC: Secret. Hindi, uh, ‘yung party-party nga.

Meron din iba pa pero sa akin na lang ‘yon. ‘Yung mga detalyeng ganoon sa akin na lang ‘yon.

B: Binigyan ka na ba ng diamond ring ni Brent?
IC: Ay, hindi po ako ganoon. Wala po ako’ng mga ganoon.

B: Hindi ka ba materyosang girlfriend?
IC: Ay, hindi naman sa ganoon.

Baka hindi lang sila makapagbigay sa akin ng ganu’n, haha!

Pero hindi ko naman sila pwedeng i-pressure nang ganu’n. Iba naman ang estado siyempre sa buhay.

Hindi naman siya tulad ni John Lloyd. Si John Lloyd ay si John Lloyd.

B: May plano na ba kayo ni Brent na mag-settle down?
IC: Ay wala po’ng plano. Malayo pa, definitely.

B: What if i-surprise ka at biglang mag-propose si Brent?
IC: Naku po! D’yos ko. Huwag na muna nating pag-usapan ‘yan.

B: Sa eight months mo sa ABS-CBN, sinu-sino na ang mga friends mong Kapamilya?
IC: I have friends pero hindi naman kasi ako talaga mabarkada.

Pero I’m really good friends with Karylle from before pa.

And Iya Villania is really a good friend also.

Ah, of course sina Jake (Cuenca).

Pero puro sa trabaho lang talaga. Off-set, wala.

B: How true na may isyu na may nagbago na raw sa iyo? Tumatanggi ka na raw kapag may gustong mag-intebryu sa iyo outside press conference and other related showbiz events?
IC: Saan? May isyu? Wala! Wala po ako’ng naririnig na ganoon.

Wala naman po’ng nagse-set ng interview.

Kung meron naman mag-iinterbyu, go ako.

Like now, meron pa’ng student na nag-interview sa akin.

Friend ko rin kasi siya. I mean, you grant interviews when you have time.

Of course, it took her (friend niya) a while also.

Tapos, finally, nag-meet ang schedule naming.

Sa ambush interview? Saan ba ako in-ambush interview?

Naku, tsismis na lang po ‘yan. Para na lang masabi na nagbago ako.

Pero, oo nagbago talaga, ang waistline ko. Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: