Skip to content

JM basted kay JESSY MENDIOLA, naglasing daw, nawala sa sarili

September 16, 2012

Totoo kayang biglang nagwala sa isang party?

SI JM de Guzman pala ang na-blind item na nagwala sa isang event at nakasira diumano ng mga paintings.

Hindi raw normal ang actor nang mangyari iyon dahil nakainom daw ito.

Natulala at naloka raw ang mga kasamahan niya nang makita nila ang pagwawala ni JM.

Ang tsismis, sobrang nasaktan daw si JM nang idenay siya ni Jessy Mendiola.

Sabi kasi ni Jessy sa kanyang mga interview ay hindi niya naging dyowa ang binata.

Nanligaw daw ito pero tumigil din nang sinabihan niyang priority niya ang kanyang career.Ang paniwala naman ni JM ay magdyowa na sila ni Jessy.

Lumalabas-labas na nga kasi sila at sa ilang pagde-date na iyon ay inakala yata ng binata na syota na niya si Jessy.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si JM tungkol sa napaulat na insidente.

Kaya huwag na muna tayong manghusga hangga’t hindi natin naririnig ang kanyang paliwanag.

Kami man ay hindi makapaniwala na nagwala si JM.

Parang hindi niya kayang gawin ‘yon.

Gentleman ang pagkakakilala namin sa binata.

Sana ay hindi totoo ang tsismis kay JM.

Tinangka ng isang writer na kunan ng pahayag si JM by calling him on the cellphone pero parang hindi na iyon ang kanyang number.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: