Skip to content

GERALD: Tigilan n’yo na sina SARAH at MOMMY DIVINE!

September 16, 2012

Nakiusap si Gerald Anderson na tigilan na sana ng publiko ang panghahamak at panglalait sa pamilya ng dati niyang “girlfriend” na si Sarah Geronimo, lalo na raw si Mommy Divine.

Sana raw ay makapag-move on na ang lahat dahil tahimik na raw ang dalawang kampo.

“Bigyan naman po natin ng respeto at privacy ang pamilya ni Sarah, ang mommy niya, kasi no one deserves that.

Kumbaga, wala ho tayong karapatan para mag-comment o magbigay ng ating pananaw lalo na kung masama.

“Sabay-sabay na lang tayong mag-move on and just give everybody some privacy,” chika ni Gerald sa isang interview.

Hindi naman daw nanghihinayang si Gerald na hindi sila nagkatuluyan ni Sarah, “No regrets, no regrets.

I’ve lived my life with no regrets.

Kumbaga, sa bawat tama, sa bawat mali, sa bawat failure, at sa bawat success, ang dami nating natutunan, so no regrets.”Dagdag pa ni Gerald, “Basta masaya po ako sa nangyari sa amin.

Mayroon po kaming moments na para sa amin lang.

Kumbaga, like I said, I’m very blessed to have an opportunity to share beautiful moments na kasama ko siya.”

Hindi na rin daw sila nag-uusap o nagpapalitan ng text ng Pop Princess, “Wala na ho.

Nangyari na ho ang mga dapat mangyari, kailangan na lang po nating mag-move on.

Basta moving on na po ako.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: