Skip to content

Buhay ni AGA laging nasa panganib, kumuha na rin ng bodyguard

September 16, 2012

Hindi takot sa mga patayan at bastusan sa politika, pero…

HINDI raw natatakot si Aga Muhlach sa posibleng pagbabanta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya dulot na rin ng desisyon niyang sumabak sa politika.

Tatakbo si Aga bilang kongresista sa Camarines Sur sa 2013 election at wala na raw makapipigil sa kanyang pagkandidato.

Sa presscon ng reunion movie nila ni Regine Velasquez nakausap ng press si Aga at naitanong nga sa kanya kung may mga bodyguard na siya ngayon dahil alam naman ng lahat na mas delikado at mas mainit ang labanan sa politika sa mga probinsiya, may mga nababalita pa nga na kahit magkakapamilya ay nagpapatayan dahil sa kapangyarihan.

“Meron naman, pero tama lang, para lang talaga sa seguridad ko at ng mga taong sumusuporta sa akin, siyempre, parang handa lang kung may magtatangka, pero hindi ko naman iniisip ‘yun, wala pa naman.

Kung may gusto namang pumatay sa akin… wala naman siguro,” tugon ni Aga.

“Tsaka naniniwala ako na kapag wala ka namang masamang balak, hindi ka matatakot. Basta alam mo sa sarili mo na pagtulong ang pinaka-objective mo, wala kang dapat ikabahala,” pahayag pa ni Aga na ibang-iba na nga kung magsalita ngayon, as in may authority na ang bawat salitang binibigkas niya.

Dagdag pa ni Aga, hindi rin daw siya naniniwala sa maruming laban sa politics, wala raw siyang balak siraan o magpalabas ng mga press release na naglalaban ng mga negatibong bagay tungkol sa kanyang makakalaban, patas at malinis na politika raw ang kanyang pinaniniwalaan.

“Basta kakampi mo naman ang tao okey lang.

Siyempre may mga kalaban tayo diyan… hindi ko naman sila kalabang personal,” sabi pa ng aktor na busy na ngayon sa pagpo-promote ng “Of All The Things” na showing na sa Sept. 26 nationwide under Viva Films at GMA Films na idinirek naman ni Joyce Bernal.

Pahabol pa ni Aga, “Unang-una wala naman akong sisiraan sa kanila at hindi ko naman balak na gawin ‘yun.

Basta ako, tatakbo ako nang tapat at gusto ko lang talagang magsilbi.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: