Skip to content

REGINE hindi na-feel ang panliligaw ni AGA, basted

September 15, 2012

TAWA kami nang tawa sa pag-amin ni Aga Muhlach na niligawan niya si Regine Velasquez noong mga panahong ginagawa nila ang una nilang pelikula sa Viva Films, ang “Dahil May Isang Ikaw” (1999).

Ayon kay Aga, may pagkamanhid daw si Regine noon dahil hindi nga nito naramdaman ang kanyang panliligaw.

Pero ayon kay Aga, baka raw may pagkakamali rin siya dahil hindi naman daw niya sinabi kay Regine na pumoporma siya.

Sa presscon ng kanilang reunion movie na “Of All The Things” sinagot ni Regine ang pahayag ni Aga, “E, bata pa ako nu’n, malay ko ba! Bagets pa naman ako nu’n.

At saka parang nakakahiya namang mag-assume, di ba, kasi hindi naman nagsasalita.

“Alangan namang ako ang magtanong, ‘Uy, may gusto ka sa akin!’“That was never my…hindi ko talaga personality yun. I’m never like that.

Kahit sino, kahit tumambling pa sa harap ko, hindi lang siya…Sabi nga ng kapatid ko, ‘Ang tanga-tanga mo!’ Sabi ko, ‘Ganu’n?’

“Kasi laging kong sinasabi, ‘Bakit walang nanliligaw sa akin?’ ‘Kasi tanga ka.’ Hindi niya kasi sinabi sa akin agad.

Hindi naman siya nagpa-cute.”

Manhid ba siya talaga? “Hindi naman, hindi naman sa manhid.

I think hindi ko lang yung type yung ganu’n.

Saka lagi kong iniisip na parang, ‘Bakit ako magugustuhan…?’ Ganu’n kasi lagi ang thinking ko.”

In fairness, matindi pa rin ang kilig ng kanilang loveteam, sa trailer pa lang ng “Of All The Things” ay marami na ang natutuwa, lalo na ‘yung mga solid Aga-Regine fans, talaga raw panonoorin nila ang nasabing pelikula produced by Viva at GMA Films sa direksiyon ni Joyce Bernal.

Ngayon pa nga lang ay patok na patok na ang linya ni Regine sa movie na, “Pa-canton ka naman!” Say ng Asia’s Songbird, “Ang lutong, di ba?

Sanay na sanay akong magpa-canton. Niluluto lang naman yun, a! One take lang yun!”

Dagdag ni Joyce, “Kaya ni Regine ibitaw lahat po ng lines na ganun… lahat ng barubal na lines, kayang ibitaw ganun kalakas yung dating.”

At siniguro ng Songbird at ni Aga na mula simula ng pelikula hanggang ending ay marami pa kayong ikaloloka na mga eksena.

Say pa ni Joyce ito na ang pinakamagandang pelikula nina Aga at Regine dahil ibinigay na raw nila ang lahat dito.

Mas open at mas mapagbigay daw kasi ang dalawa ngayon sa kanilang mga eksena kaya waging-wagi ang pelikula.

Hindi raw mabigat ang tema ng pelikula kaya sure na sure daw na lalabas kayo ng sinehan na nagtatawanan pa rin at inspired!

Kasama rin dito sina Gina Pareño, John Lapus, Ariel Ureta, Mark Bautista at marami pang iba.

Showing na ang “Of All The Things” sa Sept. 26 nationwide kaya ngayon pa lang itago n’yo na ang pambayad n’yo sa sinehan para hindi n’yo na magastos!

Anyway, ngayon pa lang ay inaayos na ni Regine ang 1st birthday ng baby nila ni Ogie Alcasid na si Baby Nate.

“Katatawag ko nga lang sa party planner. Inaayos ko na ngayon.

Medyo nai-stress ako ng konti kasi malapit na ‘yon.

May movie, sabay pa ‘yun sa concert ko, that’s why I have to fix everything now,  dapat ma-set up ko na lahat.

“Although naka-set up naman na.

Okay na yung lugar, mga little things lang.

Yung theme, Boy Pick-up!” natatawang chika pa ng Songbird tungkol sa birthday party ni Nate.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: