Skip to content

JINKEE pinigilan na raw si PACMAN sa pamimigay ng pera

September 15, 2012

Natatakot maubos ang yaman dahil sa mahihirap

Nilinaw ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang tsismis na nag-aaway sila nang dahil sa pera.

May kumakalat kasing balita na inis na inis na raw si Jinkee sa kanyang mister dahil grabe na itong “magwaldas” ng pera.

Kahit daw sa show nitong Manny Many Prizes sa GMA ay hindi tumitigil si Pacman sa pamimigay ng pera na galing sa kanyang bulsa.

Inamin naman ito ni Manny, aniya, natutuwa raw kasi siya kapag nakikita niya na maligayang-maligaya ang mga kababayan nating naaambunan niya ng tulong pinansiyal.

Pero ayon nga sa mga tsismis, dito inis na inis si Jinkee.

Kahit daw hindi na kailangan magbigay, e, pipilitin pa rin nitong kumuha sa sarili niyang bulsa para lang mabigyan ng pera ang mga nanonood sa Manny Many Prizes. Ito rin daw ang rason kung bakit sila madalas mag-away ngayon.

Pero paglilinaw nga ng mag-asawa, wala itong katotohanan.

Napakaayos ng kanilang pagsasama at matagal-tagal na rin silang hindi nagkakatampuhan.

Ayon kay Jinkee, ito na raw yata ang pinakamasayang bahagi ng buhay nila ni Pacman.

Mula raw nang maging mas malapit sa Diyos ang kongresista ay mas naging “strong” ang kanilang pagsasama.

Kaya huwag daw maniniwala ang kanilang mga tagasuporta sa tsismis.

Hindi naman daw sila nasasaktan sa mga paninirang ito, ipagdarasal na lang daw nila ang mga taong ito para maging bukas  puso sa Diyos.

Anyway, magsasama-sama naman sina Pacquiao, Dingdong Dantes, Rhian Ramos at iba pang GMA stars sa “Kapuso Goes Universal with Manny Many Prizes.”

Ito’y bahagi pa rin ng GMA Pinoy TV 7th anniversary celebration.

Tutungo sila sa Los Angeles, California para sa pinakahihintay na Kapuso Goes Universal with Manny Many Prizes special ngayong Linggo, Sept. 16.

Kasama rin sina Paolo Contis, Gladys Guevarra, Onyok Velasco at Pekto, sa Amerika naman mamamahagi ng swerte sina Pacman.

Gaganapin ito sa Gibson Theatre, Universal Studios sa Hollywood.

Makikisaya sa event na ito sina Elmo Magalona, Julie Anne San Jose, Solenn Heussaff at Rochelle Pangilinan.

Mapapanood ang GMA Pinoy TV’s anniversary presentation sa dalawang special episodes.

Ang mga qualified Pinoy ticket holders doon ay magkakaroon ng chance na magkamit ng malalaking cash prize, isang brand new Nissan Urvan at isang two-bedroom condo unit para sa mga pamilya nila dito sa Pilipinas.

Mabibili ang ticket sa halagang $80.00, kasama na rito ang unlimited whole-day ride pass sa Universal Studios.

May meet and greet pa sa mga Kapuso stars at iba pang sorpresa. For tickets, call lang kayo sa Starmedia at 818-549-9005, 818-547-1456, or 818-913-5818.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: