Skip to content

ANNE: Oy, mabango at makinis ang kili-kili ko!

September 15, 2012

BONGGANG-BONGGA ang peg ni Anne Curtis nang humarap ito sa mga kaibigan niya sa media last Tuesday night.

May bago na naman kasing produktong ineendorso ang aktres-TV host na isa na nga sa pinaka-reliable na product endorsers ng bansa.

“She possesses everything that we look for an effective endorser.

At her young age, she has already accomplished a lot in her career.

Her very positive and bubbly personality simply make her the perfect choice of our campaign,” tsika ni G. Michael Allan Castro, ang general manager ng San Miguel Beer Super Coffee Mix.

Yes, kape naman ang drama ng bagong TV commercial ni Anne at hindi lang basta kape dahil may apat na variants ito na iniinom daw niyang talaga, “Ay, ako naman kasi bilang endorser ay hindi lang basta naniniwala sa product.

I see to it that I also like it, I use it and yes, it’s something that I can proudly tweet, announce and promote,” pagbibida ng aktres-TV host sabay banggit ng mga paborito niyang variants ng naturang kape mula sa San Miguel.Ayaw naman ni Anne na tawagin siyang endorsement queen kahit halos umaabot na sa mahigit dalawang dosena ang mga naendorso niyang produkto/serbisyo.

Wish pa nga niyang magkaroon uli ng toothpaste endorsement bilang “fan” umano siya ng mga beautiful smiling teeth sa ad.

Pati nga raw underarm product ay type rin niyang magkaroon dahil ipinagmamalaki din niya ang kanyang makinis at mabangong kili-kili.

Sobrang nakakaaliw na kausap si Anne.

No wonder epektibo nga siyang modelo ng mga produkto o serbisyong ineendorso niya.

Kaya naman ng may magtanong dito kung magkano na nga ba ang worth niya, isang simpleng, “That’s for me na lang.

Pero I’m proudly telling you guys that I am a law abiding citizen and a good tax payer of this country.”

Yun na!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: