Skip to content

LIAN: Mahal ko pa rin siya, sa kanya lang ang puso ko!

September 14, 2012

Si  Paolo  ang nagdesisyon na  maghiwalay na sila

Magpapakasal na sana sila sa 2014

Walang kabit si Paolo, magulo lang ang utak

UMIIYAK na ikinuwento sa amin ng dating miyembro ng EB Babe na si Lian Paz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Paolo Contis.

Nu’ng una ay cool lang si Lian, pero hindi na rin niya napigilan ang kanyang emosyon nang magdetalye na siya tungkol sa kanilang break-up.

Ayon sa aktres, nagdesisyon na sila ni Paolo na maghiwalay muna dahil hindi na maganda ang mga nangyayari sa kanilang pagsasama nitong mga nakaraang linggo.

Sabi ni Lian, si Paolo raw ang may gustong lumayo muna para makapag-isip.

“Siyempre, ayaw naman niya kaming umalis ng bahay, kasi nga raw binili niya ito para sa amin, so, du’n lang kami sa bahay at siya po ang aalis para makapag-isip-isip,” panimula ng bagong TV5 talent. Napapanood si Lian sa primetime series na Enchanted Garden.

“Yung love naman po, nandu’n pa rin. Mahal ko pa rin si Pao.

Pero nirerespeto ko ‘yung desisyon niya, maybe ‘yun din ang paraan para makabuti sa amin, so, I’m not closing my doors, siya rin naman, ganu’n din.

“Sa pagiging father naman niya, wala akong masasabi, e.

He’s a good provider.

Nagtatrabaho talaga siya para sa amin.

Siguro masasabi ko differences sa aming dalawa ‘yung dahilan, kasi hanggang ngayon nag-a-adjust pa rin kami sa married life namin,” patuloy ni Lian.

Kasal na sila ni Paolo sa huwes, at balak nilang magpakasal sa simbahan sa 2014.

Pahayag pa ni Lian.

“Siyempre, sa akin, ayokong maghiwalay kami, iniisip ko unang-una ang mga bata, kaso, ‘yun po yung decision niya, at bilang asawa, rerespetuhin ko po iyon.

Sana nga sa pag-alis niya, e, maisip po niya kung ano talaga ang mas makabubuti.”

Ang feeling pa raw niya, naguguluhan lang at nape-pressure si Paolo, “Siguro nanibago lang siya, kasi 360 degrees yung changes sa buhay namin nu’ng magsama kami.

Nandiyan ‘yung pagbabayad ng napakaraming bills, tapos dalawa agad ang anak namin, siguro akala namin prepared na kami.

Pero alam namin na natural lang sa mag-asawa ‘yung dumaraan sa mga pagsubok na ganito, kaya ‘yun, nirerespeto ko ‘yung desisyon niya, pero nandito pa rin ako para sa kanya.

“Tsaka according to Pao, parang hindi na raw siguro kami masaya, hindi lang namin alam, siguro sa mga nangyayaring mga changes sa buhay namin, lumalaki na ang pamilya namin, mga gastos, baka isa ‘yun sa mga pinagdadaanan niya, ako bilang asawa, dapat intindihin ko muna.

“Siguro may mga pagkukulang din ako, hindi ko lang alam, minsan ganu’n tayo, e.

Tao lang tayo. Parehas kaming may pagkukulang sa isa’t isa kaya hangga’t pwede pang i-save, gagawin namin.

Ako sa sarili ko, gusto ko pang i-save, hindi ko lang alam sa kanya,” umiiyak pang pahayag ni Lian.

Paano niya tinanggap? “Painful…super.

Pero ang masasabi ko lang, walang third party. ‘Yun pa nga yung nakakapraning, ‘yung maghihiwalay kayo pero parang walang pinanggagalingan, yung bigla-bigla na lang.

Kasi kung mambababae naman siya, sa liit ng industriya, malalaman at malalaman ko yun, pero wala.”

May arrangement na ba kayo kung paano ang mga bata?

“Pag-uusapan pa namin, siguro pagbalik niya galing US (umalis si Paolo kahapon), siguro naman sa bahay pa rin siya babalik pag-uwi niya rito, may mga gamit pa naman siya doon, kukunin pa niya siguro.”

Kaya ba siya nagbalik-showbiz dahil sa marital problem?

Nakasira ba ito sa marriage nila? “Hindi naman siguro kasi nu’ng una pa lang nagpaalam naman ako sa kanya, ang sabi niya, sige okay lang.

Buti nga raw ‘yung may ginagawa ako, may trabaho ako.

Two years din kasi akong hindi nag-showbiz, so, ngayong malaki-laki na ang mga bata, may nag-offer, ipinaalam ko sa kanya.

Sumuporta naman siya.”

Inakala ng marami na ideal couple sila, kasi tahimik ang takbo ng kanilang buhay-pamilya?

“Sa totoo lang, akala namin hindi kami tatagal, iba-iba ang nagagawa ng love and prayers, so ngayon, dasal na lang muna at ‘yung love nandiyan lang naman, e.

Siguro okay na rin ‘yung maghiwalay muna, kasi baka pag nag-stay pa kayo together baka lagi lang mag-away, lalo lang lalala, baka mawala na ‘yung love, at mapalitan ng galit.

Naniniwala ako na kung kayo pa rin, kayo pa rin.

“Basta itong puso ko sa kanya lang naman, kaya hindi ako magsasalita ng tapos, aayusin namin, mag-uusap kami.

Asawa ko pa rin siya, may mga anak kami.

Ako kasi hangga’t kaya kong magtiis, mag-stay, gagawin ko. I’ll do everything to make it work again,” chika pa ng aktres.

Sa ngayon bukod sa pag-aartista uli niya, meron din siyang corporate job, tumatayo siyang media relations officer ng PR company na Full Circle.

“Saka I’m doing this Shop For A Cause, meron akong Instagram ngayon at doon nakalagay lahat ng mga ibinebenta naming stuff, karamihan doon mga pambata kasi, maraming nagre-request ng mga gamit ng mga kids.

So, lahat ng proceeds na mapagbebentahan doon dinadala ko sa charity.

Marami kaming natutulungan sa aming Shop For A Cause.

“At nagagawa ko pa talaga ang mga ‘yan sa kabila ng lahat.

Sabi ko kasi, kailangan hindi tumigil ang mundo ko, tuloy pa rin, kailangang maging matatag, hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga anak namin,” kuwento ni Lian.

Dalawa ang anak nila ni Paolo, sina Xonia Aitana, 3, at Xalene Abriana, 2.

Pero in fairness, ha, mas gumanda at mas sumeksi ngayon si Lian, sabi nga namin, parang hiyang siya sa mga problema.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: