Skip to content

Ang sosyal naman…JOHN LLOYD, ANGELICA sa FRANCE magde-date

September 14, 2012

May grand premiere night ang “The Mistress” sa Nice, France ngayong gabi, nauna nang umalis si Bea Alonzo noong Miyerkules ng gabi samantalang ang kanyang leading man na si John Lloyd Cruz ay kagabi lang umalis.

Nakakapagtaka dahil hindi ba dapat sabay sila bossing Ervin? Pero ang nangyari, sinabayan ni JLC ang rumored girlfriend niyang si Angelica

Panganiban kagabi na may show naman para sa TFC Kapamilya.

Isasama raw ni Lloydie si Angelica sa France at saka didiretso sa show nito?

Samantala, nagtataka rin ang mga taga-Dos kung bakit panay daw ang post ni Angelica ng mga bagay na bigay sa kanya ni Lloydie?

May gusto ba siyang patamaan sa mga pino-post niya?

“Ayaw nilang iniintriga sila, e, panay naman ang post nila ng kung anu-ano para pag-usapan sila. Anong tawag du’n?

Nagpapapansin naman talaga sila.

Tapos after two-weeks daw aamin na sila, may bago pa ba?” sabi sa amin ng taga-ABS-CBN.

“Parang may revenge pa rin sa part ni Angelica para mabasa o malaman ni Derek (Ramsay) na hindi siya pinababayaan ni Lloydie, e, ano ba meaning nu’n?” dagdag pa nito.

Dedma naman ang mga bossing ng ABS-CBN sa relasyong John Lloyd at Angelica dahil hindi naman siguro sila nangangamba na maaapektuhan nito ang paghataw sa takilya ng “The Mistress”.

Nalaman namin na umabot sa P23 million ang kinita nito sa opening day, tinalo na nito ang record ng “No Other Woman”.

Abangan na lang natin kung mapapataob ng “The Mistress” ang kinita ng “No Other Woman” na kumita ng P300 million

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: