Skip to content

JODI: Basta maligaya ako ngayon!

September 12, 2012

Ayaw sagutin kung magdyowa na sila ni Jolo?

“BE careful with my heart!  Kayo talaga!” Ito ang natatawang sagot ni Jodi Sta. Maria nang makatsikahan namin sa thanksgiving presscon ng serye nila ni Richard Yap na mas kilala ngayon bilang si Sir Chief sa Be Careful With My Heart.

Kinukulit kasi si Jodi kung totoong nagpunta siya ng Hongkong kasama ang aktor-pulitikong si Jolo Revilla na diumano’y karelasyon niya ngayon.

Hindi itinanggi ng aktres (talagang tumatawa pa) na nanggaling nga siya ng Hongkong, “I was in Hongkong, yes!”

At nang tanungin kung si Jolo nga ang kasama ay isang magandang ngiti lang ang isinagot niya sa press.

“I am happy. At mayroon akong anak na ang pangalan ay Thirdy, na siya ang inspirasyon ko ngayon, sa kanya ako gumigising everyday,” natatawang sagot ng aktres.

“Basta ang masasabi ko lang, I have never lost faith in love,” makahulugang sabi ng aktres.Aminado ulit si Maya (karakter ni Jodi sa Be Careful With My Heart) na may panahon talaga siya sa sarili niya at para magmahal,

“Siyempre, hindi puwedeng kalimutan ang sarili kahit gaano ka ka-busy kailangan mayroon kang time for yourself.

All work no play, makes one dull, so kailangan pa ring may oras sa sarili.”

Samantala, halatang sobrang saya at naggo-glow ang mga mata ngayon ng aktres dahil bukod sa happy ang lovelife niya ay sobrang ganda rin ng ratings ng serye nila ni Richard na Be Careful With My Heart at sa katunayan ay magkakaroon na ito ng rewind tuwing Sabado simula sa Set. 15 para sa mga hindi nakakapanood sa umaga dahil nga may mga pasok.

Say nga ni Jodi, “Ngayon lang po ito nangyari na may replay ang isang programa tuwing Sabado, para po ito sa mga hindi nakakapanood every morning dahil po busy sila sa kanilang mga trabaho at eskuwela.

Hangad po naming pati sila ay mabahaginan po namin ng saya at good vibes.”

Samantala. may album na rin ang Be Careful With My Heart at may dalawang duet sila rito ni Sir Chief, ang “When You Say

Nothing At All” at ang kapareho ng titulo ng kanilang kilig-serye.

Kasama rin ang mga awiting “Kaba” at “Torete” na solo ni Jodi, “The Way You Look Tonight” at “Sorry Na, Puwede Ba” na inawit naman ni Richard.

Kasama rin ang “I’ll Be There” na kinanta naman ni Aiza Seguerra at siyempre ang version ng Be Careful With My Heart nina Juris at Sam Milby.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: