Skip to content

LLOYDIE gusto nang pakasalan si ANGELICA

September 11, 2012

TALAGANG ayaw tantanan ng mga intrigera sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, pagkatapos ng samu’t saring issue na ibinabato sa kanila, heto’t may natanggap naman kaming chika na nagbabalak na raw magpakasal ang dalawa.

Ayon sa text message na natanggap namin mula sa unknown sender, may plano na raw magpakasal sina Lloydie at Angelica, at mukhang seryosohan na raw talaga ang kanilang relasyon.

Ayon sa text, may kinausap na raw si John Lloyd para sa  engagement ring na ibibigay niya kay Angel.

Sabeeee!? May ganu’n talaga agad? May kasalan nang magaganap, e, hindi pa nga sila diretsahang umaamin sa kanilang relasyon? Nakakaloka ang tsismis na ito, ha!

Pero sa kabilang banda, nasa wastong edad na naman sina Lloydie at Angelica para bumuo ng sariling pamilya, wala namang masama kung bigla-bigla silang magpakasal, pero parang ang bilis-bilis naman, di ba?

Baka naman nagbibiruan lang sila tungkol sa kasal, baka may nakarinig lang na nag-uusap sila tungkol sa wedding, pero ‘yung sila mismo – agad-agad  talaga? Tsaka, parang hindi naman ganu’n ang style ni Lloydie, actually, nitong nakaraang linggo nga lang, sa isang presscon, hindi pa rin madiretso ng aktor ang sagot kung sila na talaga ni Angelica, e.

Paliguy-ligoy pa rin ang mga naging pahayag niya.

Nu’ng tanungin daw kasi siya tungkol sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz na may kinalaman nga kay Angelica, bakit daw hindi pa niya masabi na girlfriend na niya ang aktres?

“Parang nakikita naman nu’ng mga tao yun, e.

Parang may mga salita lang akong binigkas, parang hindi naman issue, hindi big deal.

Parang hindi rin naman tanga ang mga tao. Makikita nila kung anong nakikita nila.

Hindi naman sikreto ‘yun.” O, di ba? Wala pa ring pag-amin.

Ang tanong nga ng bayan, hindi ba raw proud sina Lloydie at Angelica sa relasyon nila?

Kailangan ba talaga nilang lituhin ang publiko?

Kailangan ba talaga nilang magtago pa sa kadiliman?

Ha-hahaha! Kadiliman talaga!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: