Skip to content

KC binigyan ng ‘STAR’ ng bagong dyowa

September 11, 2012

Nakapangalan daw sa akin at may certificate ‘yun!’

SOSYAL! Umamin na nga si KC Concepcion na makulay ang lovelife niya ngayon. “Kumikinang-kinang” ang description ng TV host-actress sa kanyang buhay-pag-ibig.

Kaya pala marami ang nakakapansin na ang ganda-ganda ngayon ni KC, mukhang nakakita na nga siya ng ipapalit kay Piolo Pascual.

Isang nagngangalang Pierre Emmanuel Plassart ang nagpapaligaya ngayon kay KC, isa itong French photographer at filmmaker na anak daw ng dating may-ari ng isang supermarket empire.

Lagi raw sumasali si Pierre sa iba’t ibang film festivals.

Sa isang international event daw nagkrus ang landas ng dalawa, and the rest is history.

Nitong nakaraang linggo lang ay kumalat nga ang mga larawan nina KC at Pierre sa internet, magkasama raw na nagbakasyon ang dalawa sa Boracay.

Namataan din daw ang foreign guy sa isang live performance night ng X Factor Philippines, kung saan host si KC.Sagot ni KC sa The Buzz nang tanungin kung gaano kaespesyal ang nasabing lalaki sa buhay niya, “Espesyal naman ‘yung mga taong itinuturing akong espesyal.

I appreciate that naman.

Malaking bagay para sa akin ‘yung pumunta siya dito sa bansa natin para bisitahin ako, puntahan ako kung nasaan ako kahit na ang layo-layo ng pinanggalingan niya.”

Naikuwento rin ng aktres ang bonggang-bonggang regalo ni Pierre sa kanya kamakailan, “Nagbigay siya ng star.

Nasa Boracay kami.

We were looking at the sky sabi niya first time daw niyang makita ‘yung mga star sa sky sa beach dito sa Philippines.

Sabi niya one of those is yours.

“Sabi ko, ‘What?’ Hindi ko maintindihan.

Parang binili niya ‘yung star for me.

So may isang star diyan na nakapangalan sa akin daw and may certificate ‘yon, constellation kung saan naka-locate ‘yung star. First time.

Never pa akong nabigyan ng star,” sabi pa ni KC.

Nalaman namin na ang pagbili ni Pierre ng star para kay KC ay isa sa mga serbisyong ibinibigay ng International Astronamical Union at International Observatories.

Ilan sa mga nagustuhan daw ni KC sa bagong lalaki sa kanyang buhay ay ang pagiging sweet nito at totoong tao.

Pero aniya hindi pa raw niya sinasagot ang binata, “Let’s see. Hindi naman ako nagmamadali. Marami pa akong gustong i-achieve sa trabaho.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: