Skip to content

ENCHONG: Hindi ahas si COCO!

September 11, 2012

Gusto raw kasing agawin sa kanya si Julia

Isa kami sa nagsulat na naghiwalay na sina Enchong Dee at Julia Montes base na rin sa kuwento ng taga-ABS-CBN at nabanggit din namin na kaya may silent war ang dalawa sa nakaraang presscon ng “The Reunion” dahil hindi sila gaanong nagpapansinan.

Nadagdagan pa na sinabi rin sa amin na type ni Coco Martin ang mga tipo ni Julia na tisay kaya naman sa nakaraang pictorial ng bagong seryeng Ina Kapatid Anak ay ito agad ang tinanong namin kay Enchong, break na ba sila?

At bakit  hindi sila ang magka-date sa nakaraang Star Magic Ball?

“Oo nga, nakakatawa kasi naisipan lang naming hindi magka-partner ang dami ng isyu,” nakangiting sagot ni Enchong.

Sinabi namin na ini-expect kasi ng lahat na sila ang dapat magkasama sa nasabing event.

“Hindi, mas nag-expect sila kay kuya Lloydie,” biro ng aktor.

“Okay naman kami.  Kasi pagpasok namin sa loob, doon na lang kami nagkita and besides hindi lang kami magkasama noong naglakad papasok.

Umalis din siya agad, naiwan ako.

May shooting kasi siya kinabukasan kaya maaga siyang umalis,” pagtatanggol ng aktor sa aktres.

Hindi pa raw nagbi-break sina Enchong at Julia, “Hindi naman, nakakatawa naman.

Kasi everytime na magpo-promote ako ng (projects), ‘yun agad ang tinatanong.

Hindi pa man, sinisira na kaagad. Antay na lang sila.”

“Okay naman kami ngayon, mas may time kami together kasi ginagawa namin ngayon ‘yung ‘The Strangers’ (horror movie ng Quantum at Star Cinema entry sa MMFF), more often than noong time na gumagawa siya ng Walang Hanggan,” sabi ulit ni Enchong.

Samantala, tinanong din namin ang binata kung alam niya na pagkatapos ng Walang Hanggan ay may gagawing pelikula sina Coco at Julia at sa Europe pa ito kukunan?

Sa madaling salita ay magtatagal ang dalawa roon at hindi ba siya kinakabahan na baka maagaw ni Coco ang kanyang nililiyag?

“Nabanggit sa akin at nabanggit din na ‘yung susunod niyang show, e, si Paulo (Avelino) din ang kasama niya.

Ay Europe agad?  May budget?” birong sabi ng binata.

Tungkol sa isyung type ni Coco si Julia, “Wala namang nababanggit sa akin, hindi ko naman alam.

Talaga lang? Kasi magkasama naman kami ni Coco sa Barcelona, wala naman siyang nabanggit.

Hindi naman siguro. Pag nagkita kami ni Coco, tanungin ko siya,” dagdag pa ng aktor.

Kaya niyang gawin ‘yun? “Tanungin ko talaga ng, ‘Uy gusto mo ba si Julia?

Tatanungin ko talaga kasi kaysa naman mag-away-away pa kami, e, di tanungin ko na lang.”

Paano kung oo ang sagot ni Coco? “Ah, sayang nauna ako,” humalakhak na sabi ni Enchong.
“Saka okay kami ni Coco, nagkasama rin kami sa ‘Sa ‘Yo Lamang’ kaya okay kami at pag may out of town shows, sobrang okay kami.

Sabi nga niya sa akin kapag may indie film tutulungan niya ako kasi gusto nga raw niyang gumawa ako ng indie film,” kuwento pa ng binata.

Dagdag pa ni Enchong, “Sa pagkakakilala ko kay Coco, okay na tao siya, hindi siya ‘yung tipo na kapag may opening (bagong hiwalay sa dyowa), iga-grab agad ang opportunity. Hindi ganu’n si Coco.”
Samantala, gagampanan ng aktor ang karakter na Ethan Castillo sa Ina Anak Kapatid na dating anak-mayaman hanggang sa nakatikim ng hirap sa buhay at pinagsisihan kung bakit hindi pinahalagahan ang mga bagay na mayroon siya noon.

Magkakaroon ng relasyon si Enchong kina Maja Salvador at Kim Chiu.

Nakaka-relate raw si Enchong sa role niya dahil alam niya ngayon kung gaano kahirap magtrabaho at nabanggit nga niya na silang pamilya ay lumuwas na ng Maynila at dito na nanirahan kasi nga nandito ang trabaho nilang magkapatid (AJ Dee) at ang bahay daw nila sa Naga City ay pinauupahan na lang.

Maganda na nga naman ‘yun, at least may kita pa rin sila sa rent, di ba?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: