Skip to content

MAJA: Gusto ko ring maging DARNA!

September 10, 2012

Ayaw patalbog kina Marian at Angel

Kapag nasa mood talaga si 2012 Urian Award at Film Academy of the Philippines Best Actress Maja Salvador ay wala kang gagawin kundi tumawa ng tumawa sa mga kuwento niya tulad sa ginanap na tsikahan sa cast pictorial ng bago nilang serye nina Kim Chiu, Xian Lim at Enchong Dee na Ina Anak Kapatid mula sa direksyon nina Jojo Saguin at Don Cuaresma at mula sa unit nina Deo Endrinal at Julie Ann Benitez.

Isa kasi sa napag-usapan ang mga kilalang leading men sa local cinema, aniya isa si Diether Ocampo sa  leading man niya sa pelikula ng Star Magic.

Sabi namin baka ma-link siya kay Diet lalo’t may sinabi siyang “cute”, “ Yung istorya namin sa movie ang cute, hindi si Diether,” diretsong sabi ni Maja.

So, hindi cute si Diet? “Hindi, kasi malaki katawan niya, maraming muscles!” At gustung-gusto palang gumanap na Darna ni Maja kaya masaya siya na isa siya sa pinagpipilian para gumanap sa bagong Darna sa mga ginagawang survey sa networking sites.

“Siyempre, lahat gustong maging Darna, lahat ng artistang babae sa ABS gustong maging Darna. Pinapraktis ko na ngang sumigaw ng ‘Darna!’” tumatawang kuwento ng aktres.

At kung sakaling siya ang mapili ay sino naman ang gusto niyang gumanap na Ding, “si Bugoy (Carino), ang cute kasi niya.”

At ang leading man na gusto ni Maja, “Si Piolo (Pascual) kung gusto niya, si Jericho (Rosales) din, ay ang guwapo!” kinikilig na banggit ng dalaga.

Kaya ang tanong namin ay kung type niya si Echo, “Guwapo kaya ‘yun si Jericho,” say ni Maja. Pero taken na ang aktor. “Porke’t taken, bawal mag-loveteam?” balik-tanong sa amin ni Maja.

“I’m a fan of Jericho Rosales,” pabulong na sabi niya na ikinagulat namin. “Fan na fan niya ako, Pangako Sa ‘Yo (serye nila ni Kristine Hermosa) pa lang.  Dati nu’ng highschool ako, tinutukso akong Ina Macaspac (karakter ni Kristine sa PSY) hawig ko raw si Ina Macaspac!”

At hindi lang Echo-Kristine loveteam ang gusto ni Maja bossing Ervin, marami pa, “Ano kasi ako, very fanneh (read: fan), kina John Prats at Heart Evangelista, yeah, di ba pinaghiwalay ang John Prats-Heart, tapos inilagay ako kay John, feeling ko ang ganda-ganda ko that time.  Feeling ko mas maganda ako kay Heart ng mga panahong iyon.

“Tapos sumunod John Lloyd Cruz-Bea Alonzo na, lahat ng pelikula nilang dalawa, dyusko! It Might Be You, One More Chance, fanneh talaga ako!” pagtatapat ng dalaga.

Tinanong namin kung fan din siya ng Gerald Anderson-Kim Chiu loveteam, “Hindi, mas KimXi nga ako, eh.

Hindi dahil kasama ko sila (Ina Anak Kapatid) kundi mas nakita ko, kasi naging friend ko si Kim after du’n sa isa (Gerald Anderson).

“John Lloyd-Sarah Geronimo rin, iba ‘yung ‘A Very Special Love’, gusto ko ‘yung ‘Bebe ko’, inuulit-ulit kong panoorin, bebe ko!”

Sundot na tanong namin, e, ‘yung loveteam na Maja-Matteo Guidicelli? “Fan din ako niyan! Ha-hahaha!”

Kina Coco Martin at Julia Montes, “Okay lang.  Mas Richard Gomez-Dawn Zulueta,” sagot ni Maja.

E, sa Paulo Avelino-Julia Montes? “Hindi,” kaswal na sagot ng aktres.

Hinangaan din ng todo ni Maja ang Angel Locsin-Richard Gutierrez loveteam, “Loyal ako, eh.”

Ang dahilan ni Maja kung bakit siya avid fan ng mga nabanggit na loveteam, “Pag may pinapanood kang loveteam, parang ang saya-saya, in love sila, parang nadadamay kang ma-in love.

Ang sarap ma-in love, di ba? Ikaw ba hindi?” balik-tanong niya sa amin.

“Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pa pala. Walangyang batang ‘yun, ang lakas!” dagdag pa ni Maja.

At ito pa, “Naalala ko Angelu de Leon-Bobby Andrews sa TGIS! Ha-hahaha! Di ba? Fanneh talaga ako?

Pupunta kami ng Divisoria, bibili kami ng shades na malalaki tulad ng kay Angelu, ‘yung maraming kulay.

‘Yung mga pelikula niya di ba, mga head band, shades, lahat ng color meron ako!

“At saka lahat ng theme songs nila, title ng kanta ni Jaya (sabay kanta ng Dahil Ba Sa Kanya na ginaya pa ang boses ni Jaya), di ba may movie pa silang Honey My Love, So Sweet?”“Claudine Barretto-Rico Yan sa ‘Got To Believe In Magic’, maski na paulit-ulit kong pinapanood ‘yung movie, kinikilig pa rin ako,” pagtatapat pa nito.

Dahil ba sa sobrang paghanga niya sa mga loveteam kaya siya pumasok sa showbiz?

“Hindi ko naman alam na magiging artista ako, kasi gusto kong maging flight stewardess, kasi noong grade six ako, ito na ‘yung height ko, ang tangkad ko noon, di ba?

“Isa ako sa pinakamatangkad sa klase, hindi ko alam kung anong nangyari, ganito na lang.

Siguro kakanood ng mga loveteams, puyat!

“Noong dumating ‘yung opportunity na maging artista, doon na siguro ako nagkainteres, noong hinanap ko ang dad ko.

Kaya nga may struggle rin sa career ko noon, kasi hindi ko alam anong path ng career ko ako ilalagay, saan ba ako?” kuwento pa ni Maja.

At inamin din niya na naging seryoso na talaga siya sa career niya noong hindi natutuloy ang mga projects niya tulad ng Moon River at Flor de Luna, “Naisip ko, anong nangyayari?

Anong mali na nagagawa ko, bakit nawawala.  Inconsistent ako rati.

Masyado akong relax sa career ko noon. Kung ano ang ibinigay ko sa unang teleserye ko, ibinigay ko rin sa sumunod, hindi ako nag-improve, hindi nag-evolve. Masyadong relax nga.

At nagsimula na akong maging seryoso sa Nagsimula Sa Puso with Coco Martin.”

Ang huling tanong namin kay Maja kung anong masasabi niya sa bago niyang ka-loveteam na si Enchong Dee para sa Ina Anak Kapatid, “Ay excited ako diyan, Majchong ang tawag nila diyan!” nakangiting sabi pa ni Maja.

2 Comments leave one →
  1. irene permalink
    September 11, 2012 12:33 pm

    Go Maja!!We love you! #KimXi

  2. dong permalink
    September 12, 2012 5:37 pm

    pwede pwede din si maja salvador para maiba naman. darna ibang character………………

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: