Skip to content

SARAH matapang sa trabaho pero duwag naman sa lalaki

September 9, 2012

Bilib din kami dito kay Sarah Geronimo.

Kahit na sandamakmak na issue ang nakabalot sa kanyang pagkatao, at sa kanyang pamilya ay nananatili pa rin siyang matatag.

In fairness, kahit na problemado ang aktres sa kanyang personal life, hindi pa rin niya napapabayaan ang kanyang trabaho.

Kaya nga raw puring-puri siya ng mga kasamahan niya sa trabaho dahil sa kabila ng kanyang mga kinakaharap na pagsubok ay nagpapaka-professional pa rin siya.

Bukod sa kanyang Sarah G Live!, busy din ngayon ang Pop Princess sa promo ng kanyang album.

At dito nga binalikan ni Sarah ang kanyang first love.

Pero wala itong kinalaman sa kanyang sugatang puso, ito ‘yung talagang gusting-gusto niyang gawin – ang kumanta para sa kanyang bagong album, ang “Pure OPM Classics”.Kung sabagay, marami na ring naka-miss sa kanyang album.

Ito ay matapos siyang mag-concentrate sa concert na super successful – “24/G” concert na ginanap sa Big Dome na nagkaroon agad ng repeat – at sa kanyang humahataw na programang Sarah G. Live sa ABS na napapanood tuwing linggo ng gabi.

Matagal nang gusto ng Viva Records na gawin ito for Sarah pero ngayon lang natupad.

Kasama sa “Pure OPM Classics” ang “Umagang Kay Ganda”, “Panalangin”, “Masdan Mo Ang Kapaligiran” (Asin) at ang “Tao” (Sampaguita).

Timely ang pagkakanta dahil hindi na nga naman kailangang i-elaborate kung anong pinagdaanan niya sa pakikipag-boyfriend kaya kitang-kita nilang damang-dama nito ang mga messages ng kanta ng “Ikaw Lang Ang Mamahalin” (Joey Albert), “Doon Lang” (Nonoy Zuñiga) at “Malayo Pa Ang Umaga”  (Rey Valera). Nandito rin ang “Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan”, “Kay Ganda ng Ating Musika” at “Anak”.

Pagdating sa pelikula, may niluluto nang bagong proyekto para sa kanya kasama ang isang sikat na komedyante.

Ayaw munang pangalanan ng Viva kung sino ito, surprise raw!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: