Skip to content

KIM: Ibang klase talagang lalaki si XIAN!

September 9, 2012

Inaasahan na maaaring bumigay na si Kim Chiu sa patuloy na panunuyo sa kanya ni Xian Lim.

At marami ang humuhula na mas titindi pa ang samahan ng dalawa dahil muli na naman silang magsasama sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Ina Kapatid Anak na malapit nang magsimula sa Primetime Bida.

Aminado naman ang dalawang Kapamilya stars na matagal-tagal na silang nagde-date, pero dinadahan-dahan lang daw nila ang mga bagay-bagay.

Ayon kay Kim, “Hindi naman kasi kami nagmamadali, trabaho pa rin naman ang focus namin.

Pero I must say na talagang mas naging malapit siya sa akin.”

Sa nakaraang Star Magic Ball ay kitang-kita ang kilig sa mga kilos ni Kim habang magkasama sila ni Xian, sila ang magka-date nu’ng gabing ‘yun, “Three days ago wala pa akong ka-date. So nu’ng nagte-taping kami, he invited me by giving me flowers with a card.

Nagtanong naman siya ng maayos.

Sabi ko, ‘O sige, since wala naman ako ka-date,’” pag-amin ng aktres.At isa nga raw ‘yan sa mga nagustuhan ni Kim kay Xian,

“Ganu’n naman siya lagi, e. He never fails to surprise me.

Sinasabi ko nga sa kanya, ikaw na, ikaw na talaga! Ha-hahaha!”

At dito nga sa bago nilang teleserye, sinabi nina Kim at Xian na ngayon pa lang daw ay ninenerbiyos na sila dahil napakalaki nga ng proyektong ito at naglalakihan din ang mga veteran stars na kasama nila.

“Sobrang kinakabahan kami at sobrang happy at the same time kasi bigla siyang na-approve at lumabas na yung teaser.

Tuluy-tuloy ‘yung taping namin.

Natapos nga kami ng eight this morning.

Sabi nga namin, ‘Fresh pa ba kami sa ball?’” chika ni Kim.

“In every serye it’s a different character. At laging may pressure.

Pero ipinagdadasal ko na lang sana tanggapin siya ng tao ulit at subaybayan siya ng tao,” dagdag pa ni Kim Chiu.

One Comment leave one →
  1. glencort permalink
    September 9, 2012 7:32 pm

    Yes we waited for this ang tagal din naming naghintay at sa wakas malapit na less than a month na lang of waiting, thanks ABS CBN for this new teleserye and i believe it’s a sure hit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: