Skip to content

GERALD mamalasin dahil kay CRISTINE

September 9, 2012

Sigaw ng fans: Ayaw namin sa babaeng nega!

NGAYON pa lang ay marami na ang humaharang sa teleseryeng pagtatambalan nina Gerald Anderson at Cristine Reyes.

Hindi pa man detalyadong inihahayag ng ABS-CBN tungkol dito ay maraming fans na ni Gerald ang hayagang umaayaw sa pagtatambal ng dalawa.

Mismong si Gerald na ang nagbalita na totoong magkakasama nga sila ni Cristine sa isang proyekto, anang binata, “May pinaghahandaan y na ang ABS-CBN, pero ayoko namang pangunahan  but I’m really excited.

And kasama ko nga rito si Cristine Reyes at marami pang iba,” ayon kay Gerald sa interview sa kanya ng Push.com ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Gerald, wala naman daw issue sa kanya na maka-partner si Cristine na girlfriend ngayon ng best friend niyang si Rayver Cruz na dati namang
dyowa ni Sarah Geronimo na sinasabing ex girlfriend naman niya. Ha-hahaha! Gets n’yo ang connection, di ba? Pero gentleman that he is, ayaw nang magsalita pa ni Gerald tungkol sa kanilang mga nakaraan.

“Basta tanungin n’yo na lang si Rayver.

Meron siyang sinabi nang nalaman niya na magkakatrabaho kami ni Cristine.

Huwag sa akin.

Pero si Rayver very supportive, alam n’yo naman ‘yun, best friend ko, ‘yan e.

Actually isa siya sa mga excited para sa amin. Pero tanungin n’yo siya kapag natiyempuhan n’yo.

Siya ang magsasabi sa inyo,” pabitin pang kuwento ni Gerald.

Excited na raw ang aktor sa pagtatambal nila ni Cristine, “Para sa akin, napakagaling niyang artista.

Excited ako kasi ibang chemistry naman ang pwede namin i-offer sa tao.

Hindi pa kami nag-umpisa mag-taping. But it’s a new partnership na dapat abangan ng tao.”

Hindi na rin nag-comment si Gerald sa mga nagsasabing baka raw malasin o manega ang career niya nang dahil kay Cristine.

Alam naman siguro ng lahat na hindi kagandahan ngayon ang image ng sexy actress dahil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito, lalo na ang pagdedemanda sa kanya ng kanyang kapatid na si Ara Mina.

Pero ano nga kaya ang masasabi ni Gerald na mismong mga fans na niya ang nagsasabi na hindi raw magandang career move ang pakikipagtambal kay Cristine, nagmamakaawa pa nga ang ilan sa kanila na kahit daw sino ang itambal sa aktor huwag na huwag lang daw ang sexy actress.

Ayon pa sa isang nakausap naming fan ni Gerald, “Sana naman hindi pa huli ang lahat, nakikiusap kami sa ABS na huwag na ang malanding babaeng ‘yun ang ipartner kay Gege, ang dami-daming leading lady sa ABS, please naman, huwag na si Cristine Reyes!

Mamalasin lang si Gege sa babaeng ‘yan! Believe me!”

Uy, huwag naman kayong ganyan. Let’s give Cristine a chance.

Baka naman talagang nagbago na siya, tsaka in fairness naman sa kanya, masasabi na nating aktres na siya kahit paano.

Baka nga naman biglang magbago ang ihip ng hangin at magustuhan ng mga tao ang tambalan nila ni Gerald.

One Comment leave one →
  1. September 10, 2012 1:15 pm

    Reblogged this on Anything in Random, by MSP and commented:
    I don’t think Cristine deserves a second chance. Let her career ROT because she deserves it. You don’t even know that there’s a true reason why she gets projects nonstop. Ask the Lopezes, they know everything. HAHA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: