Skip to content

ATE GUY binastos ni GEORGINA WILSON, wala raw respeto

September 9, 2012

Nagwawala sa galit ngayon ang mga Noranians

Pati si Sen. Tito Sotto hindi na iginalang

WALA akong Twitter account.

Wala rin akong alam sa mga Instagram echos na iyan.

Pero nabasa ko sa column ng kaibigan nating Oghie Ignacio in another tabloid na pinaglaruan daw nitong model-turned-starlet na si Georgina Wilson ang larawan ng mahal nating nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor.

Inilagay daw niya ang larawan ni Ate Guy sa picture ng isang babaeng naka-bra at panty lang yata – isang very sexy and revealing pose kumbaga.

I don’t know kung picture ng katawan ni Georgina ang pinagkabitan ng mukha ni Mama Guy sa ulo.

I felt that this is uncalled for. Hindi gawain ng isang matinong tao, hindi gawain ng isang disenteng nilalang sa mundo.

Gawain ito ng mga adik, mga pusakal o mga taong walang future sa buhay. ‘Yung patapon.

Ganoon ang interpretasyon ko sa mga taong gumagawa ng mga ganito.

Kumbaga, kamag-anak sila ng mga texters na pumapatay ng tao sa text message – gawain ng mga salbaheng walang respeto sa kapwa.

Kung totoong galing kay Ms. Wilson ito (who happens to be the pamangkin pa naman ng pinakamamahal at pinakaiidolo kong beauty queen na si Ms. Gloria Diaz), I don’t know what’s wrong with her and what she’s really up to.

May galit ba siya kay Mama Guy? May nagawa bang kasalanan sa kanya ang mahal nating Superstar to deserve a certain level of pambabastos.

Para sa amin kasi, this is not cute, especially sa iginagalang na aktres si Ms. Nora Aunor.

Tanong ko lang, nakasinghot ba ng katol ang magandang dilag na ito for having done so?

Is she in her right senses? Just asking lang po kasi ang normal na tao in her decent mind and self ay hindi makakapag-isip ng ganitong pambabalahura ng kapwa.

Hindi niya dapat ginawa ito – not just with Mama Guy – even to anyone. It’s not fair.

Baka natutuwa siya pag sa kanya ginagawa ito ng iba pero huwag siyang maglakas ng loob na gawin sa kanyang kapwa.

Unang-una, hindi sila magka-level ni Ms. Nora Aunor, I don’t know kung magkakilala sila.

Bakit? Sinusulot ba ni Nora ang boyfriend mong si Borgy Manotoc for you to do this to her? Anong dahilan at nagawa mo ito, Ms. Wilson?

Sa nabasa kasi naming item on this, Instagram daw ni Georgina ito, sa kanya galing.

Sa account niya. What’s your problem dearie? Just who are you?

I think our dear Superstar deserves a public apology here.

Kahit ang tita mong former Ms. Universe na si Ms. Gloria Diaz wouldn’t like this too for sure.

Akala pa naman namin ay edukada at disenteng babae itong si Georgina pero with what she did, parang extreme opposite of our impressions.

She has to do some explaining dito para mas unawaaan namin where’s she’s coming from. Let’s hear from you, Georgina.

Bukas ang pahinang ito for your side of the story – sana sa oras na normal ang pag-iisip mo ha. Kaloka!

Still with Georgina Wilson, grabe ang pag-bash niya kay Sen. Tito Sotto sa Twitter.

Okay, nandoon na tayo – kahit kaibigan ko siya at mahal ko ang pamilya nito, I believe so too na magkasalungat kami ng paniniwala on some issues sa mundong ito.

Kaya kong makipagdebate with Tito Sen on matters like this one dahil magkaibigan  kami. tulad mo. tulad ko – tulad nating lahat, nagkakamali rin iyan.

Hindi kailanman sinabi ni Sen. Tito Sotto that he is perfect or even close to perfection.

Pero sobrang tindi naman ng pag-lambast mo sa pagkatao niya dahil you believe you know better.

How cruel of you to call him names.

Masakit ang mga bashing mo sa kanya – nasasaktan kaming mga friends ni Sen. Tito Sotto pero wala kaming magawa.

The most that we can do is pray that everything will be alright with him.

Pero ikaw, kung makatira ka ng kapwa mo, parang ang tino-tino mo.

Parang ang tali-talino mo like no other. Wala kang compassion kahit katiting.

Parang ikaw na ang pinakaregalo ng langit sa lupa.

Akala mo nakakatuwa kang basahin, akala mo ba ay natuwa ang buong mundo sa matinding pagbatikos mo kay Sen. Tto Sotto?

Feeling mo yata ay wala kang bahid dungis.

Tumingin ka nga sa salamin kung malinis ka nga.

Hindi porke mestiza at Inglesera ka ay safe ka at lamang ka sa amin.

Kung hindi ka pa nagpapalipa-lipat ng boyfriend…hay naku, mahirap na lang magsalita.

Sabi nga sa Bibliya, he who has not sinned may cast the first stone – or something to that effect.

Huwag ka ngang masyadong magmarunong dahil tulad ng marami, wala ka ring alam. Period.

2 Comments leave one →
  1. alfred permalink
    September 10, 2012 3:24 pm

    itong babaeng ito kailangan ng values orientation, dapat sa kanya magkakaroon ng CANCER sa utak Pero sige lang may mga pics na ako dito sisindihAn ko lang ito ng maraming itim na kandila, titingnan natin at abangan ang susunod na kabanata! lol ha ha ha!lagot ka!

  2. September 11, 2012 2:24 am

    HINDI NAMAN KASI KAGALANG-GALANG SI NORA AUNOR! DAPAT TALAGA SA KANYA AY BINABASTOS LANG DAHIL HINDI NAMAN SIYA KARESPE-RESPETO!!! MABUTI NGA AT BOKYA SA VENICE FILMFESTIVAL ANG BWAKAW SA AWARDS NA SHOBIT NI JOHN RENDEZ!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: