Skip to content

SARAH G. laging iniiyakan si GERALD, nagsisisi kung bakit nakipaghiwalay

September 8, 2012

Mommy Divine, masdan mo ang nangyayari sa iyong anak

HINDI naman daw totoo na may bagong girlfriend na si Gerald Anderson.

Not true raw na isang Cebuana ang ipinalit ni Gerald kay Sarah Geronimo after he stopped courting the pop star because of her mom, Mommy Divine.

Ang chika, parang gawa-gawa lang ito ng isang kampo para sirain ang image ni Gerald, para palabasing playboy ito.

Sabi pa sa amin ng isang nakakakilala sa binata, wala pang bagong pinopormahan si Gerald. Hindi pa nito naiisip na manligaw muli.

Perhaps, hindi pa siya nakaka-move on sa sakit na idinulot ng panliligaw niya kay Sarah.On the verge na kasi si Sarah na sagutin siya kaya lang ay tila pinigilan siya ng kanyang ina na sinasabing hindi pa raw si Gerald ang tamang guy para sa kanya.

Sa ngayon ay nasa career ang focus ni Gerald. May uumpisahan siyang soap opera kasama si Cristine Reyes na girlfriend ng kanyang best friend na si Rayver Cruz.

Teka, hindi naman kaya sila ni Cristine ang magkaroon ng issue kapag nagsimula na silang mag-taping?

How true naman na naiyak si Sarah Geronimo nang kantahin niya ang kantang nagpanalo sa kanya noon sa isang pakontes?

Naiyak raw si Sarah when she sang a bar in the song which probably evoked some of her good memories with Gerald.

Sobrang affected ba si Sarah sa malalim na message ng kanta at hindi niya napigilan ang lumuha?

Nagsisisi na ba siya na hinayaan na lang niyang mawala sa Gerald?

Or, sobra lang  niyang na-feel ang sentiment ng kanta na tungkol sa pag-ibig?

Baka naman sobra niyang na-miss si Gerald when she was singing her song which struck a sentimental chord kaya siya napaiyak?

Anyway, ang feeling  namin hangga’t naririyan ang mommy ni Sarah ay hindi siya liligaya.

Talagang lagi siyang iiyak.

Until hindi tumitigil ang pakikialam ni Mommy Divine sa kanyang lovelife ay hindi mahahanap ni Sarah ang happiness.

We feel that nobody will know kung sino ang right guy kundi ang babaeng nililigawan at hindi ang kanyang madir. Intiende?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: