Skip to content

LLOYDIE: Di kami magkaibigan ni SHAINA!

September 8, 2012

Kung tama ang pagkakabasa namin sa mga naging pahayag ni John Lloyd Cruz tungkol sa dati niyang girlfriend na si Shaina Magdayao, hindi nga naging maganda ang kanilang paghihiwalay.

Ayon kasi kay Lloydie, pagkatapos nilang mag-break ilang buwan na ang nakararaan ay hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap uli.

Hanggang sa ma-link na nga siya kay Angelica Panganiban na hindi pa rin niya diretsong maamin kung sila na nga o hindi.

Sabi ni Lloydie, “Hindi kami nagkikita.

Hindi kami nagkakausap. I can‘t say na we‘re friends.”

Sa morning show naman ni Kris Aquino na Kris TV sa ABS kahapon ng umaga, nag-guest sina Lloydie at Bea Alonzo para sa promo ng kanilang pelikulang “The Mistress”, dito sinabi ng aktor na hinding-hindi na maaalis sa pagkatao niya si Bea. Napakarami na raw nilang pinagdaanan at marami rin siyang natutunan sa 10 taon ng kanilang tambalan.

At ganu’n din naman si Bea, nagpapasalamat siya kay John Lloyd dahil hindi ito naging maramot sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon para maabot kung anuman ang kinalalagyan niya ngayon.

In fairness ha, nagiging malakas na source ang Kris TV ng malalaking issue ngayon sa showbiz, ha.

Bukod kasi sa makabuluhang chikahan sa morning show ni Tetay, para na rin itong showbiz-oriented talk show dahil kilala n’yo naman si Kris, magaling talaga ‘yan mambuking, di ba?

One Comment leave one →
  1. September 8, 2012 4:53 pm

    It really shows how selfish cunt -pervert he is! Grow up Alcoholic!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: