Skip to content

JOHN LLOYD niregaluhan daw ng kotse si ANGELICA, sa halagang P5-M

September 7, 2012

Ibang klaseng babae talaga kaya nababaliw ang mga lalaki

SOSYAL talaga itong si Angelica Panganiban, ha! ‘Yan ay kung totoo ngang niregaluhan siya ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz ng Mercedes Benz SLK.

Kalat na kalat na ngayon sa internet ang mga litrato ni Angelica sa Instagram kung saan makikita ang aktres na nasa loob ng nasabing mamahaling kotse.

Isa itong photo collage na may tatlong litrato – isa kung saan nakaupo ang sexy actress sa driver’s seat ng kotse, ang logo ng Mercedez Benz (sa manibela) at ang digital instrument panel sa dashboard ng sasakyan.Ayon sa mga followers ni Angelica sa Twitter at Instagram, kitang-kitang bagong-bago ito dahil 60.6 kilometers pa lang ang mababasa sa reading ng odometer ng sasakyan.

Ibig sabihin, hindi pa ito masyadong nagagamit at ilang kilometro pa lang ang tinatakbo nito.

Naniniwala ang marami na galing nga kay John Lloyd ang nasabing luxury car na nagkakahalaga diumano ng mahigit P5 million.

Ayon sa bulung-bulungan, last week lang daw ito idineliber sa bahay nina Angelica.

Mismong si Lloydie raw ang bumili ng sasakyan at siya pa ang nag-inspect nito bago bilhin.

Ayon pa sa chika, bago hinatid ang sasakyan kina Angelica,

idinaan muna ito sa bahay nina John Lloyd. Nilagyan daw muna ng aktor ang kotse ng chocolates at flowers.

Well, hindi na naman bago ang pagiging galante ni John Lloyd sa mga babae, dati pa naman siyang ganyan!

Pero sa pagkakaalam ko, ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na nagregalo siya sa kanyang girlfriend ng mamahaling kotse.

Kung totoo nga ang lahat ng chikang ito, ibig sabihin, ibang klaseng babae talaga si Angelica.

Imagine, mamahaling kotse talaga ang katapat ng kanyang pagmamahal.

Kung matatandaan niregaluhan din siya noon ni Derek Ramsay ng Mini Cooper na kamakailan ay ibinenta na rin ni Angelica.

Ikaw na! Ikaw na talaga, Angelica! Ikaw na ang ultimate dyosa! Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: