Skip to content

BINOE, KRIS ginanahan sa halikan, mas gumaling sa romansahan

September 7, 2012

Mariel walang kaalam-alam, asawa di nagpaalam

Hindi lang pala once, twice at thrice ang kinunang kissing scene at bed scene nina Kris Aquino at Robin Padilla sa Discovery Shores Boracay noong Linggo hanggang Lunes kundi mas higit pa diyan, at may dagdag pa itong jacuzzi scene kung saan naka-beach wear lang ang dalawa.

Kinunan ang honeymoon scene nina Kris at Robin sa nasabing hotel para sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw na mapapanood na sa last quarter ng taong ito.

Kasama nila rito si Anne Curtis.

Ayon sa tsika sa amin ay hindi naman daw nailang sina Robin at Kris sa mga eksenang ipinagawa sa kanila ni direk Joyce Bernal.

“Ang tatanda na nila para magkailangan. Take two lang naman ang mga eksena, siguro pinagbuti nila para hindi na paulit-ulit ang kissing scene at bed scene.

Ha-hahaha!” kuwento sa amin ng aming espiya.

Naku, bossing Ervin, marahil kung hindi lang kaibigan nina Binoe at Tetay si Joyce, malamang hindi pumayag ang dalawa, knowing Kris ‘no, lalo’t may asawa na ang aktor.

At bilang matagal na rin naming kakilala si Binibining Joyce  ay alam naming mahilig itong maglaro sa mga eksenang kukunan niya para pakiligin ang manonood, kita n’yo naman sa mga past movies nina Aga Muhlach at Regine Velasquez na kumita ng husto, idagdag mo rin ang ginawang pelikula nina Robin at Regine na “Kailangan Ko’y Ikaw” noong 2000.

Sana lang hindi katayin ang mga nasabing eksena dahil curious ang lahat na mapanood si Kris sa mga intimate scenes with Robin dahil nasanay na nga tayong mapanood siya bilang TV host at sa mga horror film, tama ba bossing Ervin?

Ang tanong, hindi kaya pagselosan ni Mariel Rodriguez ang mga nasabing eksena? Tanggap ba niya na may ibang babaeng hinahalikan ang kanyang asawa?

Kinunan namin ng reaksyon si Mariel tungkol dito at umamin ang isa sa co-host ni Willie Revillame sa Will Time Bigtime na wala siyang alam na may mga ganu’ng eksena sina Kris at Robin, hindi raw nagpaalam sa kanya ang asawa.

“Eto sa totoo lang, bilang babae, ayaw, kahit sinong babae, ayaw (may kahalikan ang asawa).

Kaya lang hindi naman kasi ganu’n ang trabaho natin, so dito papasok ‘yung kalawakan ng isip mo bilang artista, bilang asawa, bilang nandoon ka rin sa industry.

Kasi kahit na sinong normal na tao tiyak tatanungin na, ‘Bakit ka pumapayag, okay lang sa ‘yo?’ Gumaganu’n sila, sabi ko, siguro ganu’n talaga.

“Mahirap sa mga tao maintindihan na ‘yun ang trabaho natin, eh.

So, tanggap ko ‘yun. Hindi ko alam na kinunan, kasi hindi rin naman nagsabi, pero okay lang,” paliwanag mabuti ni Mariel.

Medyo na-guilty pa nga kami kasi kami pa pala ang dahilan kaya nalaman ni Mariel ang mga nasabing eksena nina Robin at Kris, “Hindi okay lang, ano ka ba?” sabi naman sa amin ni Mariel.

“Nalaman ko rin naman na may ganu’ng eksena kasi sinabi ni ate Kris sa Kris TV na, ‘I’m not going to eat pork kasi si Robin nga (Muslim), at saka wala naman din ‘yun sa akin.

Natutuwa nga ako kay ate Kris kasi hindi niya sinabi sa akin, may ibang taong nagsabi na, ‘Alam mo, nakakatuwa si Kris kasi may nag-interview, tinatanong kung may nakapasok na doon sa bus (van) niya, tapos ang sabi niya si Darla (headwriter ng Kris TV) at iba pa.’ Tapos tinanong daw kung nakapasok na si Robin, ang sabi raw ni ate Kris, ‘No! why will I do that, I respect Mariel!’

“Di ba nakakatuwa si ate Kris, she has not to say it, so how can you, you know what I mean, di ba?  Sobrang decent,” kuwento pa ni Mrs. Robinhood Padilla.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: