Skip to content

Babala kay IWA, JODI malapit nang sumabog sa galit

September 7, 2012

Marami ang nagsasabi na dapat daw ay patikimin na ni Jodi Sta. Maria si Iwa Moto ng kanyang pagiging palaban.

Mukhang hindi raw kasi titigil itong si Iwa sa kadadaldal hanggang hindi niya ito pinapatulan.

Sabi ng isang tagapagtanggol ni Jodi, “One time lang!

Ipakita niya kay Iwa kung paano siyang magalit para tumahimik na ang babaeng ‘yan.

Imagine, siya pa ang matapang? Siya pa ang naghahamon?”

Ayon naman sa isa pang supporter ni Jodi, “Dapat ipamukha niya kay Iwa na siya pa rin ang ina ni Thirdy (anak nila ni Pampi Lacson) at tigilan na niya ang panghihimasok sa kanilang mag-ina. Feeling naman kasi ng Iwa Moto na ‘yan ang ganda-ganda niya! Pweee!

Kung hindi ko pa alam ang mga pinaggagagawa niya!”

Kung kami ang tatanungin, siguro tama nga ang kanilang suggestion, patikimin lang ni Jodi ng kanyang galit itong si Iwa para magkaalaman na.

Pero sa kabilang banda, pwedeng matalo rin dito si Jodi dahil mas maraming mawawala sa kanya – mas sikat siya kay Iwa, mas marami siyang projects, mas visible siya at higit as lahat mas maganda siya at mas magaling na artista.

Anyway, muling nanguna sa ratings ng daytime (6 am. to 6 p.m.) block sa buong buwan ng Agosto ang primetanghali kilig-serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na Be Careful With My Heart.

Base sa survey ng Kantar Media, mula sa 19.7% noong Hulyo, higit na tumindi ang kapit ng TV viewers sa love story nina Yaya Maya (Jodi) at Mr. Lim (Richard) noong nakalipas na buwan taglay ang 22.6% average national TV rating.

Sa katunayan, noong Agosto 21, ang nasabing hit TV craze ay pumalo na sa all-time high national TV rating nito na 26.4%.

Samantala, bunsod ng mainit na pagsuporta ng viewers, may inihandang dalawang higanteng sorpresa ang Be Careful With My Heart na dapat abangan ng lahat sa mga susunod na linggo.

Huwag nang magpahuli sa pinakapinag-uusapang nakakikilig at nakatutuwang number one daytime TV program sa buong bansa, Be Careful With My Heart, araw-araw, 10:45 a.m., bago ang It’s Showtime.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: