Skip to content

PATRICK ginigipit ni JEN sa pera

September 6, 2012

Gusto raw kasing ilayo sa kanya ang anak

ANG dami na namang naglalabasang kasiraan echos kay Patrick Garcia lately and obviously ay galing na naman ito sa kampo ni Jennylyn Mercado dahil tungkol na naman ito sa anak niyang si Alex Jazz na akala natin ay maayos na ang sitwasyon pero meron na namang mga bagong pinasasabog ang alipores ng dalagang ina.

Mahilig yata talagang gumawa ng ingay ang babaeng ito tuwing nananahimik ang career niya.

Ginawa na nilang pampagana for breakfast ang paninira kay Patrick.

Hindi raw nakakapagbigay ng sustento si Patrick kay AJ. Dinedma na raw ni Pat ang kanyang responsibilidad sa anak.

Hindi na rin daw niya nadadalaw ang bata at kung anu-ano pang mga kaeklayan. Nagulat talaga ako – kasi nga sa pagkakaalam ko, hindi siya kailanman nagpabaya sa anak.

Hangga’t meron at kaya niya, hindi siya nagkukulang pero sa panahon ng kagipitan, hindi niya ikinakailang hirap din talaga siya.

“Hindi nga namin alam kung bakit nagkakaganyan na naman si Jennylyn.

Totoong medyo down financially si Pat dahil hindi pa sila sumusuweldo sa bago niyang soap sa ABS.

Nu’ng may work siya, P50,000 ang dinideposito niya sa account ni Jazz.

Alam ni Mommy Lydia iyan dahil siya ang palaging kausap ni Patrick regarding his son.

At regular na nadadalaw noon ni Patrick ang anak niya.

“Nu’ng nawalan siya ng show, bumaba muna sa P30,000 ang sustento niya sa bata.

Inaamin naman ni Pat na talagang gipit siya kaya mga two months din siyang hindi nakapagbigay.

Nakakatawa nga ang kampo ni Jennylyn, nu’ng hindi nakapagbigay si Patrick sa bata, tumawag sila sa daddy ni Pat para manghingi ng tulong.

“Yung daddy naman ni Patrick ay willing naman to help at sabi nga nito kay Mommy Lydia ay pumunta sila ng bata sa bahay nila sa Alabang para kunin ang pera at para makita rin ang apo niya.

Mantakin mo ba namang sabihin daw ni Mommy Lydia na ideposit na lang ang pera sa account ng bata.

Anong klase ‘yun? Pera-pera na lang? O, ayaw talaga nilang ipakita ang bata sa lolo niya?! “Tsaka, magkano ba ang ginagastos sa bata? Celebrity ba iyan para mangailangan ng more than P30,000 a month?

Alam naman nilang hindi ganoon kadali ang pera ngayon, bakit hindi nila tipirin ang ibinibigay ni Patrick?

“Eto pa ang isa, magbi-birthday noon si Jazz.

Tumawag sila sa daddy ni Patrick at nagparinig na gusto nilang ipag-party si AJ at aabutin ito ng P300,000.

Nang hindi pumayag ang daddy ni Patrick na sagutin ang party, bigla silang nagdesisyon na huwag na lang bigyan ng party si AJ.

Binilhan na lang daw ni Jennylyn ng worth P65,000 na regalo ang anak niya.

Bakit ganoon sila? Hindi naman pinupulot ang pera, ‘no! Alam naman nila ang sitwasyon ni Patrick, bakit parang gusto nilang ipitin yung tao? Parang inilalayo pa nila ang bata sa ama niya,” mahabang pahayag ng aming source.

Pagpapatuloy pa nito, “Pag nagti-text si Patrick na gusto niyang dalawin ang bata, hindi nila sinasagot.

Kaya ang ginagawa na lang ni Pat dahil sobrang mahal niya ang anak niya, sinasadya na lang niya ito sa school at doon nilalaro.

At dahil ayaw na naman nilang tanggapin kuno ang ibibigay na pera ni Pat kay AJ, inisip nitong ihulog na lang ulit sa account ng bata ang pera o di kaya diretso na lang sa tuition sa school ang pera.

Mahirap espelengin ang pamilya ni Jennylyn.

Tapos sisiraan nila ‘yung tao?” “One time ay nag-request ang daddy ni Patrick na ipaayos ang passport ni AJ at ng yaya nito dahil dadalhin sana nila sa Hong Kong Disneyland.

Alam nilang hindi na makalakad ng maayos si Mommy Lydia kaya hindi na nila ito binalak isama.

Pero hindi pumayag si Mommy Lydia dahil gusto niya join din siya.

Alam n’yo naman kung gaano kahirap ang maglakad sa Disneyland, di ba? Malalayo ang mga lugar doon.

Pero hayun, hindi talaga sila pumayag. “Ano ba talaga ang dapat gawin ni Patrick para manahimik itong Jennylyn? Bakit palagi na lang siyang may isyu?

Hindi pa ba siya masaya kay Luis Manzano?

Hindi pa ba siya nakaka-get over kay Patrick? Maawa naman siya, huwag naman niyang gipitin ‘yung tao.

Kahit sabihin pang mayaman ang tatay ni Patrick, hindi basta magtatapon ng pera iyan sa mga lavish parties or what.

Kung kailangan talaga nila ng pera for Alex Jazz, Patrick’s dad naman is willing to give and help pero hindi para magtapon ng pera sa walang kapararakang bagay.

Hindi na kami magtataka kung sumakit din ang ulo ni Luis sa kanila,” sabi pa ng isang taong malapit kay Patrick.

Simple lang ang request ko kay Jennylyn, shut up muna siya.

Tigilan na nila ang paggawa ng mga maling kuwento against Patrick at baka bumalandra sa mukha niya ang mga tunay na isyu.

Huwag niya akong i-provoke at baka magulantang siya pag sinabi ko ang mga nalalaman ko.

Huwag po, please lang.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: